UMAABOT sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nadakip na bigtime drug pusher sa Guinobatan, Albay kamakalawa.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., umaabot sa 400 gramo ng high grade shabu ang nakompiska sa suspek na si Romeo Nozares Sr., nasa hustong gulang.
Nasakote ang suspek sa Brgy. San Raphael ng nabatid na bayan sa anti-drug operation ang mga ahente ng PDEA.
Napag-alaman sa opisyal, bukod sa lalawigan ng Albay, sakop din bagsakan ng droga ng suspek ang karatig lalawigan ng Camarines Sur at Sorsogon.
Sinasabing matagal nang nasa watchlist ng PDEA ang suspek dahil sa malakihang mga transaksyon ng illegal na droga at naaresto na noong nakaraang taon ngunit pinayagang makapag-pi-yansa ng korte. Jethro Sinocruz