Friday , November 15 2024

NBI at Media mabuhay tayong lahat!

00 parehas jimmyNAPAKAGANDA ng mga naging aktibidad nitong akaraang ika-78 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkakaisa ng tinatawag na partnership ng NBI at Media.

Bilang pagkilala sa mga mediaman na kumokober sa NBI sa loob at labas, pinapurihan at binigyan sila ng pagkilala ni NBI Director Atty. Virgilio Mendez pati na ang kanyang mga tauhan.

Nakita natin kung gaano ang hirap at dedikasyon ang trabaho ng NBI. Araw-gabi ay iniisip nila kung paano masusupil ang kriminalidad at mga sindikato sa ating bansa.

Pinangungunahan ito ng mga operating unit ng NBI — ang Reaction Arrest Interdiction unit na pinamumunuan ni Atty. Eric Isidro at ang Anti-Organized Transnational Crime division sa pangunguna ni Atty. Rommel Valiejo, ang Anti-Human Trafficking na si Atty. Erik Noqui, NCR sa pangunguna ni Atty. Jun Menesis at Atty. Jun De Guzman, Interpol sa pangunguna ni Atty. Daniel Daganzo, Death Investigation Division sa pangungnuna ni Atty. Joel Tubera, Anti-Fraud Division Atty. Cesar Bacani, Anti-Graft Division sa pangunguna ni Atty. Romulo Asis, IPR sa pamumuno ni Atty. Dante Jacinto at Atty. Danielito Lalucis, Cyber Crime division sa pangunguna ni Head agent Ronald Agudo, Special Task Force sa pangunguna ni Assistant Regional Director Roland Argabioso.

Ayon kay Director Mendez, hindi rin magtatagumpay ang NBI kung wala ang kanilang magagaling na Forensic expert chemist, mga doctor, nurses na palaging nakaagapay sa lahat ng oras, ganoon din sa galing at serbisyo na ipinapatupad ng buong NBI clearance, mga NBI Choir na nagpapasigla sa lahat ng event dahil sa kanilang magandandang tinig, at ang nagbibigay ng seguridad sa NBI — Security Management Division.

Hindi magtatagumpay ang anibersaryo kung wala ang isang kaaya-aya at may dedikasyon sa kanilang puso na magserbisyo sa bayan na si Deputy Director Atty. Ricardo Pagatpat at sa kanyang mga kasama na mga hardworking Deputy Directors na sina Atty. Edward Villarta, Atty. Jose Doloiras, Atty. Ricardo Pangan, Jr., Atty. Edmund Arugay, CPA Rafael Ragos at si Asst. Director Atty. Medardo De Lemos.

Kaya napakaganda na meron tayong isang NBI Director na may puso, makatao, maka-Diyos at makabayan gaya ni Atty. Virgilio Mendez.

Nagpapasalamat din tayo, dahil nakatanggap din ng parangal sa NBI at sampu ng aking kasamahan sa HATAW at Peoples News Alert. Maging ang aming photojournalist na si Bong Son at reporter na siLeonardo Basilio pero ang award kong ito ay award naming lahat sa pahayagang Hataw sa pangunguna ng aming publisher, aking kaaya-yang kumpare, ang aming big boss na Alab ng Mamamahayag Chairman —- Jerry Yap.

Siya rin po ay kinuhang judge sa Photo Exhibit na ginanap sa NBI. Isa sa mga pinagkatiwalaan ng NBI dahil sa kanyang magandang record at nagbigay din siya ng personal kontribusyon para sa mga nanalo sa NBI photo exibit.

Kasama rin sa pinarangalan ang aking photojournalist sa Peoples News alert na si Reynante Salgado.

Kaya mabuhay ang buong media lalong-lalo na ang mga kasamahan sa industriya na nakatanggap din ng award gaya nina Zyann Ambrosio ng TV Patrol, Noel Alamar DZMM, John Consulta ng GMA 7, Nancy Carvajal ng Inquirer, Jasmine Romero ng ABS-CBN, Carlo Mateo ng DZBB, at lahat-lahat ng nakatanggap sa TV, Radio at pahayagan, sa ating lahat na nagserbisyo para sa bayan, nakasama tayo na nagbibigay din ng kontribusyon sa ating bansa.

Gusto rin natin pasalamatan ang Office of the Director sa pangunguna ni Chief of Staff na si Atty. Rustico Vigilia.

Nagpapasalamat si Director Mendez at mga deputy directors sa bumubuo ng anniversary program, sa lahat-lahat ng tumulong lalong-lalo na ang spokesperson na si Atty. Cecilo Zamora at sa PIO ng NBI kasama ang mga NBI Photographer.

Sa lahat ng NBI rank & file employees din na nakatanggap ng award Congratulations!

God bless us all!

Give thanks to the Holy One. Mabuhay ang NBI at media.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *