Sunday , November 17 2024

Mahal Kita pero… (Ako’y Isang Aswang)

00 mahal kita aswangNAGPARAMDAM NA NG PAHIMAKAS ANG KANYANG INA PARA SA PAGSASALIN NG ITIM NA BUTO SA DILA

Labingtatlo ang edad ko noong maganap ang marahas na pagpatay sa aking tatay at sa alaga naming asong si Ulikba. Mula noon ay nagtanim na ako ng poot sa kapwa tao. Maging ang mga kapwa bata ay iniwasan at nilayuan ko. Naapektohan niyon pati ang pag-aaral ko. Nawalan na ako ng ganang tapusin ang grade six. Magsasampung taon na ang nakalilipas mula noon.

Matapos kong makapagluto ng hapunan ay sinabayan ko sa pagkain si Inay. Kon-ting-konti lang ang kinain niya. Naghuhugas pa lang ako ng mga kasangkapan na ginamit namin sa hapag-kainan ay agad na si-yang nagbalik sa silid-tulugan. Nasilip ko sa nakaawang na pintuan niyon ang pagpa-pahid niya ng langis sa mga braso at binti.

Bigla kong nagunita ang pang-aaway noon kay Inay ng babaing dati naming kababaryo na nanlait sa kanyang pagkatao. Nagiging aswang daw siya sa gabi kapag nagpahid ng langis sa buong katawan.

Salita nang salita ang nanay ko sa pag-iisa. Pero naisip kong masyadong maaga pa para magsagawa siya ng ritwal sa pag-oorasyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. At inusisa ko siya tungkol doon.

“Langis ‘to na may dinikdin na luya… Iginagamot ko sa rayuma at pamamanas ng aking mga binti at paa,” ang maagap ni-yang tugon.

Idinaing ni Inay ang matinding pananakit ng kanyang katawan. Panay ang hingal niya. Inalalayan ko siya sa paghiga. Pagkapit niya sa batok ko ay kinabig akong palapit, idinaiti sa tenga ko ang kanyang bibig.

“Pahina na ako nang pahina… Ramdam kong malapit na akong mamatay,” bulong niya sa akin.

Pagkaraa’y inilabas niya ang kanyang dila at pinakita sa akin ang bilugang bagay na kasinglaki ng buto ng sampalok. Kulay kape iyon. Taglay daw niyon ang kapangyarihan para sa pagpapalit ng katauhan sa anyong aswang.

“Kapag wala akong napagsalinan nito ay hindi agad ako malalagutan ng hininga. Katakot-takot na paghihirap muna ang daranasin ko. Kaya kapag malapit na akong mamatay, pakiusap, anak… tanggapin mo sana sa iyong bibig ang iluluwa kong bato,” pakiusap ng aking ina. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *