PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ang batang magkapatid ng isang lalaking sinabing secret lover ng kanilang ina sa Rizal, Laguna kamakalawa.
Batay sa inisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP), pasado 2 a.m. nitong Sabado nang puntahan ng suspek na kinilalang si Allan Ted Aquino ang mga biktimang natutulog noon sa kanilang bahay.
Pinagsasaksak ni Aquino hanggang mapa-tay ang magkapatid na lalaki, edad 10-anyos at ang 12-anyos na babae.
Bago ito, nakipag-inoman umano si Aquino kasama ang ama ng mga biktima.
Nang malasing at makatulog ang ama ay saka pumunta si Aquino sa bahay ng mga paslit na pinangyarihan ng pana-naksak.
Ayon kay Laguna Provincial Director Senior Supt. Florendo Saligao, lumalabas na love tria-ngle ang motibo ng krimen nang mapag-alamang may relasyon ang suspek sa ina ng mga bata.
Naaresto ng mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay. Inihahanda na ng pulisya ang kasong double murder laban kay Aquino.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com