Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Labang PacMan-Floyd tuluyan nang ibinasura?

00 kurot alexMUKHANG tuluyan nang mababasura ang pangarap na laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Maging si Bob Arum na eksperto sa pagkasa ng malalaking laban ay suko na sa inaasal ni Floyd.

Kombinsido siya na ayaw talaga ni Mayweather na labanan si Pacman.

Mukhang tinuldukan na niya ang ambisyon na maikasa pa ang nasabing bakbakan.

Bakit nga ba hindi maaasar itong si Arum—eh, ito na mismong HBO na kung saan nakakontrata si Pacman at Showtime na kung saan naman nakatali si Mayweather ang nag-uusap pero mukhang hindi ikukunsidera iyon ni Floyd.

At kung natatandaan ninyo—panay ang pagyayabang nitong si Floyd Mayweather Sr. na nagpahayag sa mga media na malaki ang paniniwala niya na matutuloy ang ikinakasang laban sa 2015. Ganoon niya sinisiguro na kakasahan ni Floyd si Manny.

Pero biglang kambiyo si Floyd Jr. at tipo bang pinagalitan nito ang ama sa pagbibigay ng advance na mga pahayag na hindi man lang siya kinukunsulta.

Mukhang nagkagalit na naman ang mag-ama dahi sa isyu na iyon.

Pero sa puntong iyon ay mukhang gusto nating matawa. Parang nagbabalik sa pagkabata ang mag-amang Floyd. Para bang sinasabi nitong bata na “Bakit ninyo ako inirereto kay Pacman? Alam naman ninyong iniiwasan ko siya?”

He-he-he. At isa pang batayan na suko na nga ang kampo ni Pacman sa kahihintay kay Floyd—mukhang bababa ng dibisyon ang Pambansang Kamao.

Balita natin, bababa siya sa 140 o sa 135 pounds.

Aba’y dito sa timbang na ito siya nagpakita nang husto nang gilas.

Tumimbang siya ng 138 nang patulugin niya si Ricky Hatton. 142 nang gulpehin niya si Oscar De La Hoya at tumimbang siya ng 144 nang dominahin niya si Miguel Cotto.

At sa pagbabalik niya sa dating timbang—goodbye nang tuluyan ang pangarap ni Pacman na makaharap si Floyd?

 

ni Alex L. Cruz

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …