After ng teleseryeng “Pure Love” na humataw nang husto sa ratings. Ang shooting ng MMFF entry movie nilang Praybeyt Benjamin 2 ang pinagkakaabalahan ngayon ni Alex Gonzaga na nurse ni Bimby ang role ng young actress/host sa pinagbibida-hang pelikula ni Vice Ganda. Kasama rin nila rito si Richard “Ser Chief” Yap. At kung bongga na ang career ni Alex pagkatapos niyang magbalik Kapamilya. Next year ay asahan ng kanyang fans, na mas marami pa siyang magagandang project na gagawin sa kinabibilangang network. Ilan sa naka-line up na nakatakdang gawin ni Alex ang teleserye sa Dreamscape Entertainment na pinagpipilian pa kung sino ang magiging kapareha. May movie rin siya sa Star Cinema at showdown concert with her sister Toni Gonzaga sa Smart-Araneta Coliseum. Hindi lang ‘yan, may sarili na rin libro si Alex na ang title ay “Dear Alex break na kami Paano?! Love Ca- therine” na we heard, isa sa top-sellers sa National Bookstore. Magiging part na rin ng MOR 101.9 family ang batang Gonzaga at magkakaroon siya ng Reality show rito na ang tentative title ay “The Alex Gonzaga Show” at every Sunday raw ito mapapakinggan. O di ba? humahabol na si Alex sa pagiging multimedia star ng kanyang Ate Toni. Well may “K” naman ang actress gyud!
ni Peter Ledesma
Check Also
Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine
MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …
Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan
I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …
Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI
I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …
Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINONDENA at hindi pimalampas ng League of Filipino Actors (AKTOR) ang pambabastos ni …
Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya
MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
