Umpisa pa lang ng paglilitiis sa kasong robbery ay tila tagilid na sa laban ang suspek. Sa unang araw ng paglilitis ay tinanong ng abogado ang biktima: “Maituturo mo ba sa hukumang ito ang lalaking nangholdap sa iyo?” Biglang nagtaas ng kamay ang suspek at sumigaw: “I’m here, your honor!”
Deposit slip
Isang lalaki ang nang-hold-up ng banko at agad namang nahuli. Ayon sa report, nagkunwaring customer ang holdaper at nagmatyag muna bago isinagawa ang panghoholdap. Nakilala ang holdaper dahil sa naiwang deposit slip na isinulat niya ang tunay na pa-ngalan at address habang naghihintay ng tiempong makapagholdap.
Underage
Isang lalaking nagholdap sa liquor store ang agad nahuli ng pulis. Ayon sa report, aalis na sana ang holdaper matapos limasin ang pera sa cash register nang humingi ng isang bote ng brandy na naka-display sa counter. Sinabi ng tindera na illegal magbigay ng alak sa taong wala pang 23 anyos. Ipinakita naman ng lalaki ang kanyang ID upang patunayan na 25 anyos na siya. Nakilala ng tindera ang holdaper at agad nagsumbong sa pulis.