Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Imposibleng mandaya sa PCOS’ — Macalintal

080914 pcos comelec07PINASUBALIAN ng pangunahing election lawyer na si Romulo Macalintal ang mga haka-haka na maaaring gamitin sa malawakang pandaraya ang may 82,000 precinct count optical scan (PCOS) machines sa halalaan sa 2016.

Tiniyak ni Macalintal na halos imposibleng mangyari ang sabi-sabi na ikinakalat ng ilang nagpakilalang mga “advocates of clean and honest elections” at nagtutulak sa Commission on Elections (Comelec) na ilagay sa blacklist o isapuwera ang PCOS manufacturer na Smartmatic.

Ayon kay Macalintal, ang bawat isa sa 82,000 PCOS machines na binili ng Comelec sa Smartmatic ay nagtataglay ng ilang safety feature laban sa anumang tangkang pandaraya.

Sabi ng legal luminary, “in the contract between the Comelec and Smartmatic, safety features including source code, digital signatures, an ultraviolet marker, and compact flash cards are designed to prevent tampering.”

Tinuran ni Macalintal ang safety features ng PCOS sa isang breakfast-forum in Manila ukol mga isyung automated election sa harap ng mga alegasyon ng mga problema sa PCOS na naranasan diumano noong mga nakaraang halalan.

Pinuna ni Macalintal walang sinuman sa mga watchdog groups, kabilang ang mga nagpakilalang information technology (IT) experts, ang nakapagpatunay o nagpakita ng ebidenbsiya na aktuwal na nagamit sa pandaraya ang PCOS machines noong 2010 at 2013 national elections.

“President Aquino’s opponents did not contest his election when they all conceded defeat. Wala sa kanila ang nagreklamo na nadaya sila ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng pag-gamit ng PCOS. Wala, nada,” pagdidiin ni  Macalintal.

Ayon sa abogado, ang daming nag-file ng protesta matapos ang halalan noong 2010 at 2013 pero kahit isa rito ay walang napala kasama nag protesta ni DILG Secretary Mar Roxas laban kay VP Jejomar Binay. (ERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …