Sunday , November 17 2024

Huwag sanang maging “Jollibee” International Airport ang NAIA

111714 jollibee T1BALITA natin ‘e papalitan na raw ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) … pwede na raw itong tawaging JOLLIBEE INTERNATIONAL AIRPORT…Hik hik hik …

Kidding aside, mukhang hindi na necessity ang nakikita nating dahilan ng pagdadagdag o extension ng Jollibee fastfood ng isa pang tindahan sa NAIA terminal 1.

Considering na mayroon namang existing fastfood sa arrival greeters’ area, ang kauna-unahang Jollibee fastfood store sa NAIA noon pang 1998.

Ang alam natin ay sila rin ang nagke-cater sa mga empleyadong umo-order sa kanila for delivery para sa buong NAIA terminal 1.

Kung serbisyo at produkto ang pag-uusapan, kayang-kaya na ‘yan ng Jollibee sa 2nd floor ng Greeters’ Area sa NAIA T1.

Kaya naman nagtataka tayo kung bakit kinakailangan pang maglagay ng panibagong Jollibee sa Departure Area ng NAIA T1!?

Sobrang swapang at ganid naman ng dayuhang concesssionare na ‘yan! Sa kanya na nga ang Jollibee sa T-2 at T-3 pati ba naman sa T-1 ay gusto pa rin kopohin!

Nakinabang na nang husto sa GMA administration hanggang ngayon sa tuwid na daan ay namamayagpag pa rin sa mga kontrata sa airport.

Hindi ba masyado namang komersiyalisasyon na ‘yan kung bawat paglingon sa NAIA terminal 1 kahahanap ng makakainan ‘e Jollibee ang makikita ng pasahero?!

Bukod d’yan, tiyak na maaapektohan rin ang sales ng kauna-unahang Jollibee na halos 16 na taon nang nagseserbisyo sa mga pasahero at well wishers maging sa mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya sa loob ng NAIA T1.

Lalo na’t ang balita natin ‘e ‘yun very influential ‘alien’ concessionaire ng airport na naman ang mangangasiwa sa planong Jollibee NAIA T1 Departure Area.

Hindi naman tayo naniniwala na masyadong ‘sabik’ sa ganansiya si Mr. Tony Tancaktiong.

Mas naniniwala tayo na siya ay negosyanteng may konsensiya at hindi niya pababayaan na mauwi na lang sa pagkalugi ang unang franchisee na ilang taon din niyang kasa-kasama sa pag-asenso ng Jollibee.

At sa bahagi ng Manila International Airport Authority (MIAA), papayagan ba nilang maging “JOLLIBEE” International Airport ang NAIA T1?!

Just asking lang po…

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *