BAGAMA’T ang terminong”feng shui astrology” ay madalas na ginagamit sa pagtukoy sa 9 Star Ki, mahalagang naunawaan na ang feng shui astrology/9 Star Ki ay tumutukoy sa time dimension, at hindi sa space.
ANG Feng shui astrology ay isa pang termino para sa 9 Star Ki Astrology, na ikinokonsiderang isa pang sangay ng feng shui. Ito ay kombinasyon ng powerful wisdom mula sa I Ching, Traditional Chinese Medicine, Ying and Yang at Five Elements theories. Naniniwala ang ilang feng shui practioners na ang 9 Star Ki ang pinakamatandang porma ng astrology.
Ang feng shui astrology ay iba sa Chinese astrology base sa 12 zodiac signs.
Ang pangalan ng feng shui astrology – 9 Star Ki – ay mula sa sinaunang paniniwala na ang universal energy (Chi) ay naipadadala sa mundo sa pamamagitan ng siyam na bituin. Ang kalidad ng enerhiya ay magkakaiba sa siyam na year cycles, at ang number 9 ay inia-apply din sa shorter time cycles – mula sa mga oras hanggang sa mga buwan.
Bagama’t ang terminong ”feng shui astrology” ay madalas na ginagamit sa pagtukoy sa 9 Star Ki, mahalagang naunawaan na ang feng shui astrology/9 Star Ki ay tumutukoy sa time dimension, at hindi sa space.
ni Lady Choi