Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay, ‘di totoong pinalayas, naglipat lang ng bahay

 

ni Roldan Castro

090214 ejay falcon

NATATAWA ang manager ni Ejay Falcon na si Benjie Alipio sa isyung pinalayas ang kanyang alaga sa isang townhouse sa QC dahil purdoy na.

Ayon kay Benjie, kusang umalis si Ejay sa kanyang inuupahan sa Project 8 dahil nakabili siya ng bahay sa Taytay malapit sa subdivision nina Toni Gonzaga.

Mga two months na raw na nakalipat siya at malaki ‘yung house. Pero hindi pa raw ito ang dream house ng actor. Binili lang daw niya ‘yun para sa family niya.

Marami naman daw raket si Ejay ngayon kaya imposible ‘yung isyung pinalayas siya dahil walang pambayad. May mga endorsement siya at katatapos lang niyang mag-taping ngMaalaala Mo Kaya para sa istorya ng victim sa Tacloban. Mayroon din siyang sisimulang serye na Pasion De Amor.

Isa pang nakawiwindang na tsismis kay Ejay ay nagpalagay daw ito ng bolitas at sponsor umano ng isang rich gay businessman.

Itinanggi rin ni Benjie. Hindi raw totoo na nagpalagay ng bolitas ang hunk actor.

Pinagsabihan na lang daw ang alaga na ‘wag nang pansinin ang mga isyu sa kanya dahil mas grabe pa ang mga intrigang napagdaanan niya noong araw. Lagi namang ganoon na may gay na nili-link kay Ejay. Kahit nga kay Vice Ganda na ka-close niya ay iniugnay din sa kanya pero ngayon ay matagal nang hindi sila nagkikita.

Ang maganda kay Ejay, nagtatrabaho siya para sa kanyang pamilya. Laging una ang pangangailangan ng pamilya niya kaysa sarili niyang luho.

Bongga!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …