Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, umaming 5-buwan buntis

091114 Ara Mina cristine reyes

HINDI na marahil maitago ni Cristine Reyes ang tunay niyang estado dahil marami ang nagpapatunay na nagdadalantao siya lalo na nang i-post ng ate Ara Mina niya ang family picture nila na kitang-kita na malaki ang tummy niya.

Paano’y limang buwan na raw buntis si Cristine.

Matatandaang natanong na si AA (palayaw ni Cristine) sa isyung buntis siya sa presscon noon ng pelikulang The Gifted pero itinanggi niya at sa premiere night na ginanap sa SM Megamall ay muli siyang tinanong, pero ano ang ginawa niya, nag-walk out siya.

At kahapon ng tanghali, tumawag ang source naming taga-ABS-CBN at sinabing special guest ng ASAP si Cristine at kakanta ng Today, My Life Begins ni Bruno Mars at pagkatapos ay may special announcement.

“Nasa script may special announcement at official na niyang aaminin na buntis nga siya. Abangan mo later,”ito ang sabi sa amin sa kabilang linya.

May lakad kami kahapon kaya hindi namin napanood ang ASAP at kung inamin na nga ng aktres na buntis siya, iisa lang ang masasabi namin, VINDICATED lahat ng reporters na nagsulat.

Nakakaloka lang si AA dahil talagang sinabayan din niyang magdalang-tao ang ate Ara niya.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …