MATATANGGAP na ng mga kawani ng pamahalaan sa linggong ito ang kanilang year-end bonus, ang last tranche ng kanilang 13th month pay, at cash gift na P5,000, pahayag ng
Department of Budget and Management kahapon.
Sa ilalim ng Budget Circular 2010-1, ang government personnel ay tatanggap ng year-end bonus katumbas ng isang buwan sahod, gayondin ang cash gift na P5,000, paliwanag ng DBM.
Sinabi ng DBM, ang lahat ng mga kawani ng pamahalaan ay dapat matanggap ang kanilang 13th month pay at bonus sa itinakdang panahon dahil may alokasyon nang pondo para rito.
“The General Appropriations Act (GAA)-as-release-document ensures that funds are sufficiently available to the agencies from the very start, so that they can roll out the year-end bonuses and cash gifts at the appropriate time,” pahayag ni DBM Secretary Florencio Abad.