Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binay kailangan si Poe

00 BANAT alvinMALAKI ang maitutulong ni Senadora Grace Poe sa kandidatura ni Vice President Jojo Binay para sa pagiging pangulo ng bansa.

Ito ang tiyak na tiyak dahil angat na angat ngayon si Poe sa anomang labanan nitong posisyon sa pamahalaan maging ito man ay sa pagka- pangulo o bise presidente.

Kitang-kita rin na tuloy-tuloy ang pagbulusok ng bango ni Binay kaya’t kailangan nila ng isang savior na mag-aahon o magsasalba sa isang naghihingalong kandidato bilang pangulo.

Alam din ng lahat na hindi biro ang karisma ni Grace Poe sa madla dahil bukod sa nag-numero unong senador nitong 2010 ay walang bahid ng anomang isyu ng korupsyon sa pamahalaan.

Maganda rin ang ipinakikita ni Poe bilang senador dahil bagaman bagito sa Senado ay nakakasabay sa mga beterano ngunit mga trapong mambabatas.

Para sa kaalaman ng lahat, ang sinomang samahan ni Poe sa labanan sa 2016 ay tiyak na aangat maging si Binay o si Mar Roxas na manok ni PNoy.

Marami rin ang humihikayat kay Poe na tumakbo nang pangulo ng bansa pero dahil galing nga sa isang masamang karanasan ng amang si FPJ ay mukhang hindi makokombinsi na mag-pangulo at sa halip ay mukhang tatakbo bilang bise presidente.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagbango ni Poe sa masang mamboboto at tiyak kapag nagdeklara ng kandidatura maging pangalawang pangulo o pangulo ay tiyak na tatangkilikin pa rin ng publiko.

Bagong mukha ang kailangan ngayon ng bansa dahil sawa na ang lahat sa trapo at corrupt na opisyal ng gobyerno kaya’t napapanahon ang pagpasok ni Poe sa labanang pampanguluhan dahil gutom at sabik ang bayan sa isang tunay na lingkod ng bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …