Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagito ni Nash, ngayong gabi na mapapanood!

111714 nash aguas

00 fact sheet reggeeFOLLOW-UP ito sa nasulat namin tungkol sa timeslot ng Bagito na launching serye ni Nash Aguas na supposedly ay sa Nobyembre 24 pa ipalalabas, pero biglang eere na pala ngayong Lunes, Nobyembre 17 kapalit ng Pure Love. Samantalang ang Dream Dad ay sa Nobyembre 24 naman ang airing pagkatapos ng Forevermore.

Hindi ba’t Dream Dad ang dapat na kapalit ng Pure Love, Ateng Maricris base na rin sa sinabi sa presscon ng nasabing programa nina Zanjoe Marudo at Janna Agoncillo.

Pero nagkaroon ng tsika na hindi pa raw handa ang Dream Dad ni Zanjoe dahil hindi pa raw buo ang pilot week nito kaya’t butas pa ang ilang araw kaya paano raw ito ipalalabas? Oo nga naman.

Nalaman din namin na kapag itinuloy ang airing ng Dream Dad ay mahihirapan ang buong cast dahil magiging hand-to-mouth ito na hindi kakayanin dahil malalayo ang location.

Hmm, bakit ang Forevermore na kasalukuyang nangunguna ngayon sa ratings game ay hand-to-mouth din naman dahil ‘yung kinukunan sa maghapon hanggang umaga ay itatakbo naman ng service van sa ABS-CBN bandang alas dose ng tanghali para umabot sa editing at saka ie-ere kinagabihan din.

“At least, isang location lang sila (‘Forevermore’), Benguet lang, unlike sa ‘Dream Dad’, iba’t ibang location tapos matagal pa ang baklas,” katwiran sa amin ng taga-Dos.

Hindi naman din madaling bunuin ang limang oras na biyahe mula Baguio to ABS-CBN para sa materyales na ieere, paano kung nagka-aberya sa daan?

Ang tanong namin, hindi ba’t sensitibo ang kuwento ng Bagito ni Nash dahil naging batang ama siya sa edad na 14? At halos lahat ng estudyante sa high school at elementarya ay nasa bahay na ng mga oras na umeere ito kasabay ng hapunan ng pamilya habang nanonood ng TV Patrol?

Kaya tamang-tama sana ang Dream Dad dahil light drama lang ito sabi nga ni Zanjoe kaya nagustuhan ulit niya ang istorya lalo’t super-cute ang bago niyang anak na si Janna.

Hindi kaya ‘pag marami ng bangko ang Dream Dad ay pagpalitin sila ng Bagito tulad sa naunang plano na pagkatapos ng TV Patrol?

Ano kaya ang masasabi ni Chairman Eugenio Villareal ng MTRCB sa timeslot ng Bagito?

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …