NAGING viral sa YouTube ang CCTV footage ng isang kotse na sinasabing dinukot ng alien. (ORANGE QUIRKY NEWS)
NAGING viral sa YouTube ang CCTV footage ng isang kotse na sinasabing dinukot ng alien.
Halos isang milyon katao na ang nakapanood sa video na makikita ang isang kotseng biglang naglaho habang mabagal nitong binabagtas ang kalsada sa Cavalier, North Dakota.
Karamihan sa mga nakapanood ay nagkomento na ang ‘paglalaho’ ay dahil sa camera glitch o video editing.
Habang naniniwala ang iba na ito ay walang dudang kagagawan ng aliens. Ang iba ay dudang ito ay government o media conspiracy.
Samantala, tanong ni Bruce T, “If I gave them the address, will they take my wife?”
Hindi kombinsido rito si UFO expert Nigel Watson, sumulat ng
Haynes, UFO Investigations Manual, ngunit hindi inaalis ang posibilidad ng alien activity.
“It is very rare to get film footage of an actual alien abduction,” aniya.
“However, in this case we do not know who was in the car or if the occupants have gone missing.”
(ORANGE QUIRKY NEWS)