BINISITA kahapon ng ilang opisyal ng pamahalaan ang Caballo Island habang naka-quarantine nang 21 araw ang 132 Filipino peacekeepers na nanggaling ng Monrovia, Libera.
Nagtungo sa isla si AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., kasama si Acting Department of Health (DoH) Secretary Janet Garin.
Sa pagdating ng da-lawang opisyal sa isla, agad sila binigyan ng briefing ng Joint Task Force Liberia na siyang nangangasiwa sa mga naka-quarantine na peacekeeper.
Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, ito ang kauna-unahang pagbisita ng dalawang senior government officials magmula nang dumating ang UN peacekeepers sa isla noong Nobyembre 13.
Malaria ng peacekeeper ‘di mula sa Caballo Island (Pagtiyak ng DoH)
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na hindi sa Caballo Island nakuha ng Filipino peacekeeper ang sakit na malaria.
Sa harap ito ng ulat na mayroong kaso ng malaria sa kalapit na lugar ng Caballo.
Paliwanag ni Dr. Lyndon Lee Suy, “Itong island na ito ay wala pong kaso ng malaria.
“Tsaka remember kadarating lang nila. Hindi naman pagkakagat e ki-nabukasan may malaria na rin, so hindi sa Caballo Island nakuha kundi ta-lagang doon sa Liberia,” dagdag niya.
Inaabot aniya ng tatlo hanggang apat na araw bago lumitaw ang sintomas ng malaria samantalang ang nagkasakit na peacekeeper ay nitong Miyerkoles lang nakauwi at Biyernes nilagnat.
Nabatid na dati nang nagka-malaria sa Liberia ang naturang peacekeeper.