Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 7-anyos batang lalaki makaraan barilin ng isang lasing sa Lucena City, Quezon kamakalawa.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa impluwensiya ng alak ang 40-anyos suspek nang biglang paputukan ang bata sa kanang dibdib.
Makaraan ang pang-yayari, agad tumakas ang suspek bitbit ang improvised air soft gun na ginamit sa krimen.
Patuloy na ginagamot ang biktima sa Quezon Medical Center habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com