INAASAHANG aabot sa 5 milyong Filipino Catholic ang dadagsa sa misa ni Pope Francis sa Luneta sa kanyang pagbisita sa Enero.
Sinabi ni Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso SJ, ganito karami ang dumalo sa World Youth Day noong 1995.
Ang misa sa Luneta ang huli sa tatlong misa na pangungunahan ni Pope Francis sa bansa.
Sa pagbisita niya sa Leyte, tinatayang 2 milyon ang dadagsa. Kabilang sa aktibidad doon ng Santo Papa ang misa sa Tacloban Airport at pananghalian kasama ang ‘Yolanda’ survivors sa Archbishop’s Residence sa Palo.
May temang “Mercy and Compassion” ang pastoral visit ni Pope Francis, at ayon kay Fr. Alfonso, “Ang gusto niyang mangyari sa ating Simbahan, maging mapagmalasakit [tayo] sa bawat isa, ‘yun ang kanyang vision.”
Tiniyak ni Fr. Alfonso na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa Malakanyang para sa seguridad ng Santo Papa.