Tuesday , January 14 2025

2 EB Babes, nanakawan ng LV bag at P80,000 cash

ni Ronnie Carrasco III

ISANG programa pa ang kasunod ng Eat Bulaga tuwing Sabado bago ang Startalk—ang Wish Ko Lang—pero tila Joey de Leon still couldn’t keep his mind off the unfortunate incident sangkot ang dalawang EB Babes.

Bungad kasi ni Tito Joey, ” Kawawa naman ‘yung dalawang EB Babes, nalusutan ng dalawang magnanakaw. Natangay ‘yung dalawang bag nila na iniwan sa dressing room.”

Of the two bags, isa raw roon ay Louis Vuitton; the other na hindi matandaan ni JDL contained P80,000 in cash na inilalaan sana ng isa sa dalawang EB Babes para sa pagpapaopera ng kanyang ama.

Despite the incident, ani Tito Joey, nakuha pa raw mag-perform ng mga taong ninakawan—out of sheer professionalism—pero ramdam daw niyang nanlulumo ang mga ito. ”Eh, magkano lang naman ang kinikita ng mga ‘yon?”

Nang madiskubre na ang mga nawawalang gamit, agad nilang nirebyu ang naka-install na CCTV. There, they found out that the gay culprits posed as stylists or makeup artists. How they gained entry into the Eat Bulaga studio ay posibleng sumabay sila among a huge crowd of entrants, oblivious to the security guard on duty.

Minsan na raw palang naaktuhan ni Tito Joey—noong nasa ABS-CBN pa angEat Bulaga many, many years ago—isang baklang nagpapanggap ding kakilala ng production staff ang pumasok sa dressing room.

Kuwento ni Tito Joey, ”Nagkataon kasi na na-late ako nang dating, so pagpasok ko sa dressing room, nasa floor na sila. Pagpasok ko, ang bumungad sa akin, eh, isang bading na patingin-tingin sa mga gamit. So, tinanong ko, ‘May hinahanap ka ba?’ Ang sagot niya, ‘Ah, eh, wala po. Sige, aalis na po ako.’ Sabi ko, ‘Hindi, huwag kang umalis,’ so hinarang ko siya sa pinto. Kulang na lang maglumuhod siya. Tamang-tama, nagpasukan na ‘yung hosts, kaya tinanong ko, ‘O, kakilala n’yo ba ‘to?’ Hindi raw.”

Totoong walang pinipiling panahon kapag gumana na ang kalikutan ng kamay, pero mas nagiging talamak ang krimeng ito dahil magpa-Pasko.

Sorry, but we don’t buy such a flimsy excuse na mahirap ang buhay.

Oo nga’t times are hard, pero hindi sinasabing para gumaan ang pamumuhay ng isang salat sa pera ay kailangang magnakaw!

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Bianca Manalo Sherwin Gatchalian

Bianca at Sec Sherwin relasyon tinuldukan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MATAPOS mabalitaan ang hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto, naging balita …

Gina Alajar Mon Confiado Shamaine Buencamino

Mga artistang bida sa Pepsi Paloma tahimik 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI rin mahagilap para makuhanan ng pahayag ang mga artistang sinasabing …

Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Direk Darryl sinampahan 19 counts of cyber libel

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGMATAPANG pa rin si Darryl Yap sa kanyang social media post …

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae nagsuka, sumakit ang ulo matapos sumuko sa NBI

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBINALIK si Rufa Mae Quinto sa National Bureau of Investigation …

Sofronio Vasquez BBM Bongbong Marcos

The  Voice US Champ Sofronio Vasquez III pinahanga si PBBM

MATABILni John Fontanilla NAPABALIB ng The Voice USA Season 26 champion na si Sofronio Vasquez …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *