Friday , November 15 2024

Sariling simbahan itatayo ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao

00 Bulabugin jerry yap jsyTUMABI-TABI na kayo Bro. Mike Velarde ng El Shaddai, Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord (JIL) at Ely Soriano ng Ang Dating Daan … bigyang-daan ninyo si Bro. Manny “Pacman” Pacquiao.

Hindi lamang ang kanyang training sa boksing at pagpapaunlad sa kanyang sariling training site ang pinagkakaabalahan ngayon ni Manny.

Aba ‘e itinatayo na ngayon ni  Pacman ang kanyang tw0-storey church building — tatawagin umano itong “The World for Everyone Movement Inc.”

Sa site development plan na ipinalabas ng kampo ni Manny, ang solar ng simbahan ay tatayuan umano ng prayer mountain, Bible study sanctuary, tennis court, fish pond, rock garden, picnic ground at water falls.

Target umano na matapos ito sa December 2015. Malamang itapat pa sa kanyang birthday ang inauguration nito.

Ipatatayo umano ni Pacman ang nasabing simbahan upang maging sentro ng kanyang spiritual na pagpapalakas.

Sa ganang atin, kung ano man itong pumapasok ngayon sa tuktok ni Pacman, matapos maging tanyag na boksingero ay naging artista, recording artist, game show host, poker player, billiard player, nagpolitiko, pumasok sa basketball at ngayon naman ay sa relihiyon, sana lang ay seryosohin niya ang kanyang tungkulin.

Huwag sanang masakripisyo ang mga constituent na dapat niyang paglingkuran.

Posibleng hindi nga niya ibubulsa ang pondo para sa distritong kanyang kinakatawan  pero dapat na nasusubaybayan niya ang mga tao sa kanyang paligid lalo na’t ang korupsiyon sa ating bansa ay sistemado na.

Huwag din sanang magamit ang simbahang kanyang itatayo sa pagkukulto dahil hindi ito magandang ehemplo.

By the way, wala bang planong magtayo si Pacman ng kahit 100 bahay lang doon sa Tacloban at sa iba pang probinsiya na sinalanta ng Yolanda?!

Itinatanong lang natin ito dahil alam naman natin na kayang-kayang gawin ‘yan ni Manny.

Sabi nga, “When God blesses you financially, don’t raise your standard of living, raise your standard of giving.”

Hindi ba brother money ‘este Manny!?

Circulo del Mundo tatanggalin sa Andrews Ave.

TATANGGALIN na rin sa wakas sa Rotonda ng Andrews Ave., ang Circulo del Mundo na nagkakahalaga ng P50 hanggang P100 milyon para sa pagluwag ng trapiko sa Nichols area sa Pasay City.

Ang Circulo del Mundo po ay ‘yung architectural design na nasa Rotonda malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ipinagawa ito noong nakaraang administrasyon at sinabing nag-ambag ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng halagang P40 milyones para sa katuparan nito.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, naniniwala ang Department of Public Highways and Development (DPWH) na ang nasabing architectural design ay isa sa mga sanhi ng traffic congestion sa nasabing area kaya mas makabubuti umano na ilipat na lang ito sa ibang lugar.

Bukod d’yan, ginagawa na ngayon ang Skyway na inaasahang matatapos na sa susunod na taon.

Ang Circulo del Mundo o Layag Islas, ay nagwaging disenyo ng mga architectural students na gustong gawing showcase ang Metro Manila bilang “window of the country to the world.”

Noong una, ang buong estruktura at ang kinalalagyan nito ay itinuturing na liwasan o parke ng ilang residente at estudyante malapit sa area.

Pero dahil hindi madalas napupuntahan kaya tinubuan lang ng talahib at binansagan na lang na ‘egg structure.’

Anyway, noong panahon pa lang ni GM Al Cusi ‘e binabatikos na natin ‘yan na dahilan ng matinding traffic sa lugar na ‘yan.

Ang laki kasi ng espasyong kinain, nawalan tuloy ng silbi ang road rewidening na ginawa sa area na ‘yan. Pero imbes ‘yung ‘architectural design’ ang matandaan sa nasabing area, mas tumanim sa madla ang Newport City na kinaroroonan ng Resorts World Manila.

Ang Andrews Ave., ay mas kilalang military area gaya rin ng McKinley sa Makati City. Hindi naman ito art center gaya sa Louvre ng Paris, France at Florence ng Italy. Kaya tingin natin ay hindi angkop na ibalandra ang isang likhang sining na bukod sa hindi mawawaan ng madla ay itinuring pang ‘gargantuan obstacle’ sa trapiko ng mga sasakyan.

Kaya naman maraming natutuwa sa desisyon ni GM Bodet Honrado na katigan ang mungkahi ng DPWH na ilipat ng pwesto ang milyones na architectural design.

Kung maililipat umano ito, maaaring madagdagan ng tatlo hanggang apat na lanes ang kalsada.

Mantakin n’yo nga naman inaabot ng 30 hanggang 40 minuto ang mga motorista sa paglabas at pagpasok sa NAIA terminal 3 mula sa Fort Bonifacio sa Makati  gayon din ang mga nanggaga-ling sa Maynila.

GM Honrado Sir, isang malaking ginhawa ang ibinigay ninyo sa mga motorista …

Suportahan ‘ta ka, GM!

Term na sobra ang kurakot mali

PARANG mali pag sani ni Peter “SOBRA” ang pag kurakot nila Binay. Para bang meron amount na pwede i-tolerate? Sana ibahin ang term. +63916912 – – – –

Pati si Kristo idinamay

MALI ulit si Peter kasi daw ‘MALULUMA SI CHRIST.’ Para bang pwede magago si Kristo. At okay lang daw ang loko-loko mag-mayor? So, ang mayor na kurakot okay lang? +63916912 – – –

Hepe ng assessor sa Taguig matakaw sa pitsa?

GOOD am po sir Jerry, d2 po sa assessor sa Taguig laganap ang corruption. Pinababago ang pangalan sa tax declaration tapos ibinebenta nila ang lupa o rice field. Ang principal hepe nila. Sabi ni Senator Allan Cayetano walang corrupt sa Taguig, gusto ng hepe ng assessor P5,000 o P10,000 kada pirma niya. TY po don’t publish my cel no. +63929604 – – – –

(Paunawa: Ito po ay sumbong ng texter na nais nating bigyang-daan. Inaanyayahan po natin ang hepe ng assessor sa Taguig na maglahad ng kanyang panig o paliwanag).

Kayamanan ni Purisima kinukuwestiyon

MR. JERRY pagbali-baliktarin man ang situation di makakapagtayo si Purisima ng ganoon kalaking bahay at ‘di makabili ng mga ari-arian, galing ‘yan sa bogus na katiwalain sa sindikato ng drugs at nakaw na yaman +63928251 – – – –

Repeat survey sa charter change

MAG-REPEAT ng survey ang Pulse Asia at SWS sa Charter Change. Kung meron quarterly survey sa mga presidentiables at pabago bago ito, pwede rin magbago ang pananaw sa charter change quarterly, lalo na sa mga middle class, intellectuals, at businessmen. +63908878 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *