Friday , November 22 2024

Kaliwa’t kanang ‘boodle fight’ ni VP Binay

KALIWA’T KANAN ang ginagawang pagdalo ngayon ni Vice President Jojo Binay sa mga okasyon. Kahit maliit na pagtitipon ay hindi niya pinalalagpas. All-out siya makipag-boodle fight sa local officials at mga grupo ng iba’t ibang organisasyon.

Ito na lamang kasi ang tanging paraan niya para makuha ang simpatiya ng mga ordinaryong mamamayan matapos siyang akusahan ng iba’t ibang katiwalian during his term as mayor ng Makati City na simula 1986 ay pinamunuan niya (19 years), ng kanyang misis (3 years) at ng kanyang anak hanggang ngayon.

Sa kabila ng maraming beses na pagpapatawag sa kanya sa Senate inquiry para sagutin ang mga akusasyon ay hindi niya ito sinipot. Maging ang paghamon niya ng one-on-one debate kay Senador Antonio Trillanes, isa sa mga nag-iimbestiga sa mga katiwalian sa Makati City, ay bigla niyang tinalikuran.

Dahilan para bugbugin siya sa social media. Matitindi ang mga komento ng netizens laban sa kanya.

Ito ang dahilan kung kaya’t walang puknat ang pag-iikot niya ngayon sa mga lalawigan at makipag-boodle fight.

Iniisip ko lang baka maimpatso o mabulunan o magka-Hepa B si VP Binay sa pakikipag-boodle fight. Hehehe…

Kung bakit kasi hindi niya gayahin si Senate President Franklin Drilon. Nagpaliwanag sa Senate probe sa kontrobersiyal namang Iloilo International Convention Center, na napatunayang wala palang overpriced dito at sa halip ay nakamura pa ang gobyerno.

Ito lang naman ang dapat gawin ni VP Binay ‘e. Harapin at sagutin ng punto por punto ang mga iniaakusa sa kanya. Iharap niya ang mga taong umano’y kasabwat niya sa pagkupit ng limpak-limpak na salapi sa loob ng higit dalawang dekada na nilang pamumuno sa Makati City.

Oo, ang mga sinasabing kasabwat ng mga Binay sa pangungulimbat ang tanging makapaglilinis sa pangalan nina Vice President. Kapag napatunayan nila sa Senate probe na walang ginawang anomang katiwalian si VP Binay, tapos ang mga akusasyon! At lalo pang babango si VP Binay para sa kanyang ambisyong maging Presidente sa 2016, habang ang accusers naman niya kabilang na sina Senador Antonio Trillanes, Alan Peter Cayetano at Koko Pimentel ay tiyak na babagsak ang popularidad at malamang na mawala na sa politika.

E kaso, ang mga taong sinasabing kasabwat ni VP Binay ay nagtatago na rin. Hinahanting na nga ng NBI ngayon.

Subaybayan na lang natin ang nagbabagang usaping ito ng katiwalian ng mga Binay…

2 beses nang pinasok ang bahay ng mga pulis ng QCPD Stn 4

– Sir Joey, magpapatulong po kami. 2 beses na po pinapasok yung bahay namin ng mga pulis na taga-Station 4 ng Novaliches, Quezon City. Wala naman po kami ginagawa na masama. Gusto nila hulihin ang asawa ko na naghahanapbuhay po. Pinagbibintangan nila na nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot. Hinahanapan po namin sila ng search warrant at warrant of arrest. Wala naman sila maipakita. ‘Yung dalawa po nila na sasakyan ay ‘yung patrol car plate no. SHV 256. Sana matulungan nyo kami. – 09983633…

Baka naman nagtutulak talaga ng droga ang mister mo? Hindi naman kayo susugurin ng mga pulis kung walang matinding rason. Anyway, kung wala talagang kalokohan ang mister mo ay maaari kayong kumuha ng barangay certificate sa inyong tserman d’yan sa barangay at ipa-blotter n’yo ang ginawang pagpasok sa inyong bahay ng mga naturang pulis tapos kasuhan n’yo sila ng trespassing.

Grabeng droga sa Purok 10 at 11 South Daang Hari, Taguig City

– Report po namin dito sa Purok 10 at 11 South Daang Hari, Taguig City ay masyado nang talamak ang bentahan ng droga. Yung nagtutulak po sila Jonard at Jenjen. Sana ma-survielance sila ng PDEA. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *