Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fiscal tiklo sa extortion

111614 raul desembranaARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang piskal na sinasabing nangikil ng pera sa isang abogado na may hawak ng kasong nakabinbin sa kanyang tanggapan.

Kinilala ang suspek na si Assistant City Prosecutor Raul Desembrana ng Quezon City Prosecutors Office.

Pasado 11 a.m. kahapon sa loob ng isang restaurant sa Quezon Memorial Circle nang madakip ng NBI si Desembrana makaraan abutin ang P80,000 cash mula sa isang abogado na may kliyenteng nahaharap sa kasong unjust vexation.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, kasong direct bribery o paglabag sa Article 210 ng Revised Penal Code at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kahaharapin ni Desembrana.

Ang suspek ay nakakulong na sa punong-tanggapan ng NBI makaraan maisalang sa inquest proceedings.

Sa kanyang panig, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, bagama’t isang kahihiyan sa kanilang institusyon ang pagkakadakip kay Desembrana, hindi siya magdadalawang-isip na iutos ang regular na entrapment operation para mapanagot ang mga tiwali sa kanilang hanay.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …