Friday , November 15 2024

Core Values dapat bigyan halaga

00 PALABAN GerryISA sa mga solusyon para maisakatuparan ang mga pangarap ay ang pagbibigay halaga sa mga paniniwalang gumagana bilang gabay ng isang tao, organisasyon, bansa o lipunan.

***

Ang mga maituring na core values ay siyang fundamental na paniniwala ng isang tao o samahan. Ang mga ito ay maituring na guiding principles na siyang nag didikta sa ugali’t gawain natin at nakakatulong sa ating kaalaman kung tayo ay nasa tama o mali. Gamit naman ito ng mga kumpanya para malaman kung sila ay nasa tamang daan para makamtan ang kanilang mga business goals. Ang core values ay lumilikha ng isang matatag at di nababaling patakaran na ginagamit bilang benchmark sa ating pamumuhay.

Ihalimbawa na lang natin ang mga service organizations katulad ng Rotary o mga fraternities. Sa mga proyekto ng mga ito, and diwa ng serbisyo sa kapwa ang nasa likod ng mga gawaing kanilang pinapasok.

O di kaya sa mga kapatid nating mga titser at educators. Sa pagpapalaki ng kani–kanilang mga anak, ang halaga ng edukasyon ay palaging kaakibat sa mga pangaral at mga alituntuning kanilang pinapairal sa loob ng bahay.

Dito natin nakikita ang disiplina at ang pagiging totoo ng isang nilalang o grupo sa mga adhikaing sila rin ang may gusto. Kadalasan, ito ay nakikita sa mission statement ng isang kumpanya o di kaya sa mission at vision ng mga samahan. Kadalasan, positibo ang mga ito dahil wala naman yatang tao o samahan na kasamaan ang hinahangad.

***

Matapos akong itala para pamunuan ang isang paaralan, nakita ko ang kahalagahan ng core values sa pagpanday ng isang kinabukasan kung saan nangingibabaw sa karamihan ang mahigpit na pagsabuhay ng mga paniniwalang nagbibigay halaga sa ikabubuti ng lipunan o samahan na hangad kong makita ng pamumunuan ng aking mga estudyante balang araw.

Character education. Ito ang nakikita ko na importante sa isang paaralan. Maihahambing ko ito sa isang punongkahoy. May mga punongkahoy na mabilis lumaki at maganda tingnan. Pero ang mga ito ay may mga ugat na hindi kayang suportahan ang pagyabong nito na siyang dahilan kung bakit ang ganitong uri ng punongkahoy ay kulang sa tatag na manatiling nakatayo sa mahabang panahon.

Bago man ako sa kasalukuyan ko na katungkulan, nakikita ko na importante ang pagkakaroon ng matatag na core values lalo na sa larangan ng edukasyon dahil dito hinuhubog kung anong uri ang maging pinuno ang mga kasalukuyang estudyante nito. Pero ang tanong ay kung paano ito maisakatuparan.

Para sa akin hindi lamang pinagaaralan ang mga core values at paniniwala kundi isinasapuso ang mga ito at binibigyan buhay sa alin mang kalakaran ginagawa.

***

May mga kababayan tayo, o mga samahan at kumpanya, na naka-publish ang kanilang core values. Pero sa tunay na buhay ang pinakamabisang paraan para malaman ang mga core values na ito ay sa pagmatyag kung ano ang mga aksyon at ugali ng mga ito.

Ang core value ay magiging isang tunay na core value lamang kapag ito ay may kakayahan na aktibong makapag-impluwensya, o yung indibidwal o samahan ay kayang bigyan itong buhay sa lahat ng oras.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *