Saturday , November 23 2024

2 pulis utas sa pagsilbi ng search warrant

093014 gun deadCEBU CITY – Patay ang dalawang pulis makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang nagsisilbi ng search warrant sa Moalboal, Cebu.

Ang mga biktima ay kinilalang sina PO3 Fabi Fernandez, 53; at PO1 Alrazid Gimlani, pawang mga miyembro ng Moalboal Police Station.

Ayon kay PO3 Ramon Tsinel, dakong 8 p.m. kamakalawa nang hinalughog ng Moalboal pulis ang bahay ni Michael Aquino na residente ng Brgy. Tumuloy sa nasabing lungsod at siyang subject ng search warrant na pirmado ni Hon. Judge Leopoldo Cañete ng Barili Regional Trial Court.

Bagama’t hindi naabutan ng mga kapulisan ang subject na si Aquino, nagawa nilang mahuli ang iba pang kasama ng suspek sa bahay na sina Phil John Ibriza, Rolly Tabanao at Allen Amad.

Dagdag pa niya, nagsasagawa na ng inventory ang grupo ng mga kapulisan nang bigla na lang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok mula sa labas ng bahay.

Agad binawian ng buhay sina PO3 Fernandez at PO1 Gimlani na sa sandaling iyon ay nagsisilbing perimeter officers sa naturang operasyon.

Dahil sa nasabing kaguluhan, hindi namalayan ng mga pulis na nakatakas na pala ang kanilang mga nahuli kahit nakaposas na.

Patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation ng Moalboal PNP laban sa mga salarin.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *