Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

US citizen nagbaril sa burol ni misis (Natakot sa pag-iisa)

072514 Suicide Gun dead

VIGAN CITY – Sa mismong burol ng kanyang misis, nagbaril sa sarili ang isang retired employee mula sa Estados Unidos, sa Brgy. Cagayungan, Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa.

Itinutok ni Crisanto Cabanting Sr., 78, ang kalibre .45 baril sa kanyang dibdib at pinaputok ito.

Nangyari ang insidente kamakalawa ng gabi sa burol ng kanyang misis na ikinabulabog ng lahat ng mga nakikiramay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Narvacan municipal police station, labis na ikinalungkot ni Cabanting ang pagpanaw ng asawang si Antonia.

Sinabi ng biktima na wala nang silbi ang kanyang buhay dahil wala na ang kabiyak na mag-aalaga sa kanya.

Sinubukang kausapin at pakalmahin ng mga kamag-anak ang biktima ngunit hindi nakinig.

Naitakbo sa ospital si Crisanto ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival.

Una rito, sinabi ng biktima na kapag namatay ang kanyang asawa ay susunod din siya dahil wala na siyang kaagapay sa buhay.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …