Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunog!!! Sigaw ng BKs

00 rektaSalitang “SUNOG” ang naisigaw ng BKs matapos ang ikapitong takbuhan nitong nagdaang Miyerkoles sa OTB na aking napaglibangan. Sa karerang iyan ay nakatama silang lahat na magkakasama sa iisang mesa sa nagwaging kabayo na si Bruno’s Cut, pero nung alamin ng ibang mga BKs na naroon sa OTB ay bakit sunog ang kanilang naisigaw gayong nakatama naman sila—ang tanging naitugon nung grupo sa nagtanong ay “kasi natalo si Cinderella Kid” (CK), sabay dugtong pa na yung sakay ni Sparkling Rule ay hinete din ng may-ari ni CK at sa klase ng ginawa sa ibabaw nung nagdala ay ramdam na ramdam sinusundan lang ang nasa harapan niyang si CK. Pero hindi nila naagapan at napabayaan ang bumandera na si Bruno’s Cut.

Sa kabila pa niyan ay kaya sila sumuporta kay Bruno’s Cut ay dahil sa masamang inabot nila sa pagkatalo ng outstanding favorite na si Dream Supreme, na hindi pinatakbo ng natural at kulelat na dumating sa meta. Nasundan pa iyan na tila naayunan pa ng mga MJCI Board Of Stewards ang resulta ng patawag nila sa hinete na si Dan Camañero ? Alam din nila na ang pumatnubay kay Crotales na si Mhel Nahilat ay hinete rin sa kuwadra nina Dream Supreme, ikanga ay sa kalaban lumagay. Kaya ang aral diyan ay basahing mabuti at rebisahin ang mga pangalan ng tao na nasa programa, kesa sa mga kabayong maglalaban. Okidoks.

 

Fred L. Magno

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …