INIHAHANDA na ng pamumuan ng pambansang pulisya ang kanilang security plan para sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 2015.
Ngayon pa lamang naghahanda na ang PNP para sa kanilang ipatutupad na security measures upang matiyak ang kaligtasan ng Santo Papa.
Ayon kay PNP chief, Director General Alan Purisima, ipatutupad ng PNP ang principle of “Whole of Government Approach” at Major Event Security Management Framework sa pagpapatupad ng security operations at magkakaroon ng series of activities and events ang Santo Papa na gagawin sa iba’t ibang venues.
Inatasan ni Purisima si Deputy Chief for Operations (TDCO), Police Deputy Director General Leonardo A. Espina, bilang Task Force Commander for the PNP Special Task Force “Papal Visit 2015”.
Trabaho ni Espina ang magbigay ng strategic direction, monitor at siyang mag-supervise sa operasyon ng PNP Units.
Ayon kay Purisima, sa ilalim ng PNP Special Task Force “Papal Visit 2015” magkakaroon din ng iba’t ibang task groups partikular sa mga lugar na pupuntahan ng Santo Papa.