WALANG ingay sa pangalan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilio Mendez. Walang funfare at lalong walang praise releases.
Hindi mahilig ang mama sa publicity. Pero sa kabila nang pagiging kimi at tahimik, epektibong hepe ng pambansang ahensiya ng imbestigasyon.
‘Ika nga sa Ingles, silent but smooth operator. Nagagawa ang mga tungkulin at responsibilidad bilang director ng NBI.
Pinakahuli ngang accomplishment ng bureau ang pagkakasakote sa isang clandestine shabu laboratory sa Camiling, Tarlac.
Mahigit sa tatlong bilyong pisong (P3-B) halaga ng shabu ang nakompiska sa nasabing raid at naaresto ang anim (6) Chinese nationals na pinaniniwalaang mga chemist na siyang nagtitimpla ng nasabing ipinagbabawal na gamot.
Matindi talada ang mga impormante, assets at intelligence network ng NBI at ni Director Mendez.
Akalain n’yong maamoy pa ng mga taga-NBI ang nasabing clandestine laboratory sa pagkalayo-layong lugar ng Camiling, Tarlac.
Ang maganda kay Director Mendez, hindi talaga suwapang sa kredito at accomplishment. Talagang ninanais at ginustong makipag-coordinate sa PDEA at kay PDEA Director General Art Cacdac.
Kung iba-iba pa si Director Mendez, lalarga na lamang ang kanyang mga tauhan at isesekreto ang nasabing ‘lakad’ para buong-buo ang kredito sa NBI.
Pero dahil professional talaga si Director Mendez, mas ninais niyang isagawa ang operation by the book at lahat ay naaayon sa batas.
Pati search warrant ay matiyagang inantay ni Mendez bago lumusob at magsagawa ng raid.
‘Yan ang tunay na hepe, ginagamit ang utak at magandang diskarte at hindi nagpapadala sa emosyon.
Saludo tayo sa director ng NBI. Bagama’t tahimik ay sadya namang matinik.
Iba talaga kapag TAGA SA PANAHON at hindi hinog sa pilit ang isang opisyal. Suwabe at smooth ang mga kilos at diskarte. Mabuhay ka Director Mendez, Sa araw-araw ay talagang pinahahanga mo ang pitak na ito.
Hindi lamang sa legit operation magaling si Mendez kundi sa pagpapalakad ng buong bureau.
Ang pag-i-instill ng disiplina hindi lamang sa mga ordinaryong ahente ng bureau kundi sa iba pang opisyal ng kagawaran ay naisakatuparan ni Director Mendez. Wala na tayong naririnig o nababalitaan man lamang na nasasangkot ang ahensiya o sino man sa mga tauhan sa katarantaduhan gaya ng kidnapping, extortion, hulidap at tong collection na dating sakit ng bureau.
Kung may ilang matitigas ang ulo, tiyak na sasalto kapag nabuking at nadisgrasya ang kanilang modus operandi.
Sinsero si Mendez sa pagpapatupad ng pagbabago sa NBI at sinisigurado niyang wala siyang sasantuhin!
Again, congrats Director Mendez for a job well done!
BASTA KAY MAYOR FRESNEDI AT CITY ADMIN CACHUELA, YOU’RE IN GOOD HANDS!
Nang muling makabalik sa city hall ng Muntinlupa si Mayor Jaime ‘Jimmy’ Fresnedi, marami sa mga mamamayan ng lungsod ang nakahinga nang maluwag.
Parang sa commercial ng isang banko ang feelings ng mga taga-Muntinlupa sa kanilang butihing alkalde. ‘Ika nga sa sa commercial, YOU’RE IN GOOD HANDS.
Paanong hindi magkakaganito, lahat ng sektor ng lokal na pamayanan ay inaalagaan at tinututukan nina Fresdeni at City Admin Cachuela
Mula senior citizens hanggang sa mga kabataan, ordinaryong mamamayan at mga dumarayong mamumuhunan.
Mahal si Fresnedi at Cachuela ng magkasalungat na bracket ng mamamayan ng Muntinlupa, yaong mga nabibilang sa mahihirap at ang elite group ng mga mayayaman sa parte ng Ayala Alabang at iba pang ekslusibong subdibisyon sa naturang siyudad.
Parehas ang trato ng butihing mayor sa kanyang constituents maging mula sa sektor ng ordinaryong mamamayan o sa grupo ng mga propesyonal.
Nagtatag ng iba’t ibang monitoring groups sina Mayor Fresnedi at Cachuela sa buong siyudad na may mandato na alamin ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan at i-monitor kung nakararating sa lahat ang basic services na laan para sa kanila.
Maganda ang programa ng alkalde patungkol sa health, peace and order at sa negosyo at ekonomiya.
Maganda rin ang relasyon nito sa halos lahat ng barangay leaders, kaalyado man ni Fresnedi o hindi sa politika.
Politics of addition ang isinusulong niya sa buong siyudad para ma-involved ang lahat at ang buong populace sa landas tungo sa kaunlaran.
Suportado ng city hall ang lahat ng pangangailangan ng lokal na pulisya sa pagmamantine ng kaayusan at katahimikan.
Isa ang siyudad ng Muntinlupa sa may pinakamababang crime rate sa buong Metro Manila at maikikredito ito sa kalidad ng pagpapatakbo nina Mayor Fresnedi at city Administrator Cachuela.
Ibang klase talaga ang management skills na ipinakikita ng alkalde sa lungsod na labis na ikinagagalak ng mga mamamayan nito.
Keep up the good work Mayor Fresnedi and City Administrator Allan Cachuela sir!
***
ANG CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL BATCH ‘74, ay magdaraos ng kanilang 4oth Grand Reunion sa darating na Nobyembre 16, 2014 sa Villa Teresa Resort, Cavite City, nauna rito itatakda ang isang misa at parada, at Trip to Tagaytay sa Nobyembre 15, inaasahan ang lahat ng graduates ng CNHS Batch ‘74 ay makadadalo.
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
ni Rex O. Cayanong