Wednesday , December 25 2024

Nagkakasakit din pala ang Panday!?

00 Bulabugin jerry yap jsyMANTAKIN ninyo, nagkakasakit din pala ang Panday?!

Noong nasa labas pa si Sen. Bong Revilla, napakasigla, napakalakas at makulay na makulay ang kanyang kalusugan.

Parang sa hinagap ay hindi natin maisip na siya pala ay mayroong migraine, mahina ang puso at hindi rin natin akalain na dadapuan siya ng depresyon.

Stress lang siguro, pwede pa sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan pero hindi depresyon.

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin.

Ang alam natin na Panday, mas malakas pa sa kalabaw ‘yan, tinatablan rin pala ng karamdaman.

111514 bong revilla

Hindi nga makapaniwala ‘yung isang ‘balae’ ni Panday na dadapuan rin siya ng karamdaman.

Hindi raw sakit ‘yan kundi karma!?

He he he…

Ganyan talaga, ‘yang mga politiko na dating pagkalalakas, kapag nakasuhan na at naihoyo na, marami nang naglalabasang sakit…bakit kaya?

Huwag naman sanang maging seryoso ang sakit mo na ‘yan idol Senator Bong.

080914 pcos comelec

TALAGA BANG GUSTONG MAKAPAGSUBI NG PABAON NI COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES?

MUKHANG nagmamadali talaga si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixtong ‘este Sixto Brillantes, Jr., na makapagsubi raw sa kanyang pagreretiro.

Talagang iginigiit niyang maisulong ang pagbili ng bagong PCOS machine para umano garantisadong malinis ang eleksiyon sa 2016.

What the fact?!

‘E ang supplier at bidder din naman ‘e ‘yung SMARTMATIC at ang bibilhing PCOS machine ay ‘yung mga refurbish.

Mantakin n’yo, P3 bilyon na naman ang halagang gagastusin ng Comelec para sa bago kunong makina na gagamitin sa 2016 election.

Mismong si Archbishop Emeritus Oscar Cruz ay duda sa napakabilis na schedule ng bidding-bidding-an para sa bagong PCOS units. At nakikita na n’ya na Smartmatic na naman ang makakokopo nito.

‘Yan din ang basa ni Engr. Jun Estrella, isang IT expert at co-convenor of the Citizen for Clean and Credible Elections (C3E), plantsado na nga raw lahat para makopo na naman ng Smartmatic ang P3 bilyon na project na ‘yan.

Chairman, disenyo ng malinis na elekisyon ang kailangan hindi ‘yang bili-bili ng PCOS.

‘E alam mo namang pati disenyo ng pandaraya ‘e kayang-kaya nilang iprograma.

Tiyak tiba-tiba na naman ang walanghiyang Kumolek ‘este Comelec “3 million division” sa project na ‘yan!

111514 NAIA T3

GOLF CARTS NG NAIA T3 FULL OPERATION NA!

SPEAKING of NAIA T-3, ayaw talaga paawat ni Terminal Manager Engr. Bing Lina, na tanghaling “Mr. Action Man.”

Nasaksihan ng maraming dabarkads natin, kung paano nakapagbibigay ng serbisyo ang apat na Golf Carts sa Terminal-3 Arrival/Departure Areas, both Domestic and International wings na lubhang ikinasisiya ng mga kababayan nating Senior Citizens at maging mga bata, ganoon din ang mga pasaherong maraming bitbit at abubot na dala.

Mababait at magagalang na mga NAIA hired personnel ang nagsisilbing mga piloto ng apat na Golf Carts na naghahalinhinan sa tatlong shifts.

Last 2 weeks ay gumana na ang lahat ng golf carts para ‘di na masyadong mahirapan ang mga pasahero sa haba ng kanilang nilalakad patungong boarding gates ng Arrival at Departure Areas.

Kaya naman as promised by TM Bing, no more hingal kabayong lakaran ngayon sa kaniyang nasasakupang terminal sa paggana ng apat na Golf Carts. Ang isang Golf Cart naman ay magsisilbing reserba sakaling may masira.

Mabuhay ka TM Bing Lina!

Keep up the good and inspiring works.

You’re the man!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *