Tuesday , December 24 2024

Mommy Elaine, nakipag-selfie pa kay KC

ni Timmy Basil

111514 kc elaine

KILALA si Mommy Elaine Cuneta sa pagiging very supportive sa career ng kanyang anak na si Sharon Cuneta. Naalala ko noon, na sa tuwing may concert si Sharon , asahan mo si Mommy Elaine sa first row at makikitang proud na proud sa kanyang anak.

Sa pagpasok ng kanyang apong si KC Concepcion sa showbiz, medyo hindi na niya ito nasasamahan dahil siguro ‘di na puwedeng magpuyat si Mommy Elaine na kadalasan sa big affair sa showbiz na dinadaluhan ni KC ay sa gabi ginagawa. Sa Star Awards nga lang, madalas na nagho-host si KC, minsan naman siya ang nananalo o kaya ay presentor ay never kongnakita si Mommy Elaine pero alam namin na very supportive ito sa career ng apo.

Very obvious na siya ang pinakaboritong apo ni Mommy Elaine kaya sinusuklian naman ito ni KC. Kagaya na lang noong ma-ospital si Mommy Elaine, talagang todo-bantay si KC at may mga selfie photo pa sila.

Bago nalagutan si Mommy Elaine ng hininga ay nakailang selfie sila ni KC at maganda ang aura ni Mommy Elaine huh, hindi siya

mukhang may sakit. Sa tingin ko pa nga, parang bumata siya kaya

nakalulungkot naman ang kanyang pagpanaw.

Alam kong labis-labis ang pighati ni KC maging si Sharon dahil all her life talagang very supportive si Mommy Elaine sa career ng dalawa.

Kapwa Koreano, naggugulangan

FIRST time kong nakapunta sa Korean Community d’yan sa may Anunas, Angeles City , Pampanga. Nakagugulat na puro Koreano ang establishments na naroroon mula sa masahian, botika, at kung ano-ano pa.

Sa pamamagitan ni Madam Magnolia May San Jose ay natikman namin ang masasarap na Korean food sa Bada Ole Restaurant. Nalungkot lang kami sa nalaman naming balita mula samay-ari (Pinay) na si Joy Lopez. May business partner silang Koreano na nagmamay-ari ng building. Noong una ay okey ang kanilang samahan, nire-remit nila araw-araw ang kanilang net income sa kasosyo nila at sa loob ng isang buwan ay hinahati nila ito.

Pero ngayon daw, sa loob ng dalawang taon ay hindi na raw sila nakatatanggap ng kanilang shares at ang sabi, ibebenta na raw ang building na iyon.

Kaysa mapunta sa iba, gusto ng mag-asawang sila na lang ang bibili at nakapagbigay na raw sila ng P800,000 pero mukhang malabo dahil patuloy silang pinalalayas ng kanilang kasosyo. Kasama pa na pinutulan pa ng ilaw at ang ikinagulat ng mag-asawa, nagtayo pa ang kanilang kasosyo ng dalawang Korean restaurant.

Ano ba ‘yan, kapwa Koreano naglolokohan pa. Dapat sigurong i-settle na lang nila ‘yan, baka gusto pa ng kanilang kasosyo na makarating pa ito sa kaalaman ng Department of Foreign Affaris, siya rin.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *