ni Rommel Placente
HINDI lang pala si Karla Estrada kundi maging si Faith Cuneta ay sumalang din umano sa blind audition ng The Voice of The Philippines Season 2.
Pero gaya ng mommy ni Daniel Padilla, hindi rin daw lumusot sa nasabing talent show ng ABS-CBN 2 si Faith. Wala raw umikot na upuan para kay Faith isa man sa apat na coaches na sina Sarah Geronimo, Apl de Ap, Bamboo, at Lea Salonga.
Ibig sabihin ay hindi sila na-impress sa ganda ng boses ni Faith.
In fairness naman kay Faith ay maganda ang boses niya. Kaya lang siyempre, ang coaches pa rin ang masusunod kung sino ang gusto nilang pumasa sa blind audition, ‘di ba?
Pero nanghihinayang kami para kay Faith, sa totoo lang.