Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bulgarian, 1 pa tiklo sa ATM scheming

083014 thief card

ARESTADO ang isang turistang Bulgarian national at isang Filipino makaraan kopyahin ang pin number sa ATM card ng isang customer sa isang banko sa Pasay City kahapon.

Sina Dentsislav Hristov, 45, pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan, at Noel Dagdagan alyas Bong, 54, ng 129 Estrella St., Pasay City ay nakapiit na sa detention cell ng Pasay City Police.

Kasong paglabag sa Republic Act 8792 (Electronic Commerce Act) at R.A. 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) ang isinampa ng pulisya sa mga suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Habang kinilala ni Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Investigation Detective & Management Branch (IDMB), ang biktimang si Rodolfo Salinas, 36, admin and technical officer, ng Salmon St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes , dakong 8:30 a.m. nang maaresto ang mga suspek sa Service Road, Roxas Boulevard, panulukan ng EDSA Ave., Ext., Pasay City.

Sinabi ni Sr. Supt. Reyes, ang pagkakahuli sa mga suspek ay dahil sa reklamo ni Salinas nang manakaw ang kanyang ATM card sa isang sangay ng ATM machine ng Bank of Commerce sa labas ng NAIA 2 Terminal, NAIA Road, Pasay City nitong Nobyembre 13, dakong 3 p.m.

Ayon sa naturang banko, natuklasang na-hacked ang pin number ng biktimang si Salinas makaraan magsagawa ng imbestigasyon ang kanilang mga tauhan sa naturang sangay.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …