NABULABOG ang klase sa Xavier High School sa San Juan nang magtangkang tumalon ang isang estudyante nito mula sa ikalimang palapag ng gusali kamakalawa.
Bandang 2:30 p.m. kamakalawa, umupo sa ledge ng gusali ang isang Grade 11 lalaking estudyante.
Ikinatakot ito ng mga residente at nagdulot din ng trapik sa lugar dahil sa dami ng mga nag-uusisa.
Maingat na kinausap ang estudyante ng rescue team ng siyudad, Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Insp. Edwin Acuna, walang hiningi ang estudyante.
Ipinakausap sa bata ang mga magulang niya sa pamamagitan ng telepono.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataong ginawa ito ng binatilyong may problema sa pamilya.
Tumagal nang isang oras bago nakombinsi ang estudyante na bumaba sa gusali.