Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, magpapakita ng butt sa bagong movie

 

090114 sam milby

00 fact sheet reggeeMAY bagong pelikulang gagawin si Sam Milby kasama sina Coleen Garcia at Meg Imperial sa Skylight at Viva Films na ididirehe ng premyadong indie director na si Gino Santos.

Ang titulo ng pelikula ay Ex With Benefits na hango sa Friends with Benefits kaya sexy ito at nagtanong kami sa taga-Star Cinema kung ano ang role ni Sam?

“Something Sam has not done before, it’s a sexy movie, maganda ang script,” sabi sa amin.

Inisip namin ang papel ni Justin Timberlake kasama si Mila Kunis sa Friends with Benefits na nagpakita ng butt kaya’t balik-tanong namin sa kausap naming taga-Star Cinema kung ganito rin ang gagawin ni Sam.

“Kung papayagan ng Victory Christian Fellowship,” sagot naman sa amin.

Siguro naman puwedeng magpa-sexy si Sam dahil off-age na siya ‘no at higit sa lahat, siya ‘yung senior sa kanilang tatlo nina Coleen at Meg kaya sa kanya nakasalalay ang pelikula.

At base sa look-test nina Sam, Coleen, at Meg noong Miyerkoles ay maraming nagulat sa new look ng aktor dahil maigsi ang buhok na ang katwiran niya ay dapat daw may bago siyang hitsura para sa bago niyang karakter.

“This is the look test pa lang so we’re trying different looks,” katwiran ni Sam nang makatsikahan siya ng TV reporters. dagdag pa, ”actually there were a few people saying, ‘Sam, parang nakare-relate ka talaga rito (papel). Because my character, his priority is to be successful in his work, and that’s what happens. Tapos noong nag-break sila, he becomes successful, but he realizes after so long na ang kulang talaga sa kanya is love life.”

Ex-lovers sina Sam at Coleen at si Meg ang kontrabida na pilit na magpapapansin sa aktor.

As of now ay wala pang kasunod na teleserye si Sam pagkatapos ng Dyesebel kaya’t nagtanong kami sa manager niyang si Erickson Raymundo kung anong next teleserye ng aktor, ”as of now movie muna gagawin ni Sam. May gagawin daw teleserye, pero hindi pa sinasabi sa amin.”

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …