Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quarters ng PSSBC lalarga na

111414 PSSBC basketball

KOMPLETO na ang mga paaralang lalaban sa quarterfinals ng Philippine Secondary Schools Basketball Championship (PSSBC) na gagawin bukas sa Chiang Kai Shek Gym sa Binondo, Maynila.

Maghaharap sa unang laro sa alas-12 ng tanghali ang Chiang Kai Shek at ang Xavier School samantalang maglalaban sa alas-1:30 ng happon ang FEU-FERN at Hope Christian High School.

Sa alas-tres ay magtutunggali ang National University at Mapua-Malayan samantalang sa alas-3:30 ng hapon naman ay magbabanggaan ang Jose Rizal University ang San Beda College.

Sa pagtatapos ng eliminations noong Miyerkoles sa SGS Gym sa Quezon City ay minasaker ng Chiang Kai Shek ang San Sebastian, 106-87, pagkatapos na lumamang ang Blue Dragons, 87-53, sa ikatlong quarter.

Pinatumba ng FEU ang JRU, 75-67, sa overtime habang pinabagsak ng Mapua ang Xavier, 61-51 at pinulbos ng Hope Christian ang UP Integrated School, 91-74.

Gagawin ang semifinals kinabukasan at ang finals naman ay sa Nobyembre 22 sa CKSC Gym uli.

Mapapanood ang mga laro ng PSSBC sa Aksyon TV 41. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …