Friday , December 27 2024

Presyo ng Noche Buena items tumaas (4 supermarkets pinagpapaliwanag)

111414 noche buenaININSPEKSIYON ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga supermarket at grocery store kaugnay nang ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa mga produktong pang-Noche Buena.

Sa 21 establisimentong sumalang sa random inspection ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI Consumer Protection Group (CPG), 14 ang natuklasang nagbebenta ng mga produkto sa halagang mas mataas sa SRP.

Nag-isyu na ng show cause order ang FTEB para sa apat na supermarkets sa Quezon City na nagpapataw nang labis na patong sa SRP ng Noche Buena items. Kabilang sa binigyan ng limang araw para magpaliwanag ang Daily Supermarket, Mighty Mart, Purity Supermarket at Supermart 2000.

Habang sampung supermarkets at grocery stores sa Pasig, San Juan, Caloocan, Valenzuela at Quezon City na may hanggang P0.50 patong sa SRP ang pinadalhan ng warning letters. Dapat sumunod agad sila sa SRP kundi ay iisyuhan na ng show cause order oras na muling mahuli.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *