Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Perpetual, Arellano nanguna sa NCAA Volleyball

111414 NCAA Volleyball

PINABAGSAK ng defending champion Perpetual Help at Arellano University ang kani-kanilang mga kalaban sa pagsisimula ng NCAA Season 90 women’s volleyball noong Miyer

koles sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinatumba ng Lady Altas ang Jose Rizal University, 22-25, 25-18, 25-20, 25-19, habang pinabagsak naman ng runner-up noong isang taon na Lady Chiefs ang Mapua, 25-12, 25-20, 25-22.

Nagsanib ang dalawang baguhang sina Ma. Lourdes Clemente at Cindy Imbo ng 32 puntos para pangunahan ang Perpetual Help sa panalo.

Tumulong naman sina CJ Rosario at Danna Henson na nagsanib ng 35 puntos para sa Arellano.

Sa isa pang laro, minasaker ng College of St. Benilde ang Letran, 25-9, 25-19, 25-13.

Habang sinusulat ito ay ginaganap ang mga laro sa men’s volleyball sa The Arena sa San Juan.

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …