HINDI ninakaw ang P100-M pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na inilaan sa pagtatayo ng Iloilo Convention Center (ICC) na nagkakahalaga ng P700-M.
Ito ang bwelta ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa pahayag kahapon ni Sen. Nancy Binay sa Senate Blue Ribbon Committee hearing sa ICC project, na nanggaling sa kontrobersiyal na DAP funds ang bahagi nang ipinantustos sa naturang proyekto.
“That’s a non-issue. We’ve already said that. Ano pa ba problema dun? Meron ba nagnakaw nun? Ang Disbursement Acceleration Program was designed… Ang question dun kung meron bang nagwaldas ng pera e wala naman,” ani Lacierda.
Giit niya, binubuhay lang ang isyu ng DAP kahit walang basehan na napunta ang pondo sa katiwalian.
“Ginagawa yung isyu na kumbaga ano ba yung sa Tagalog patay na yung kabayo. You’re beating a dead horse. That issue has long been settled ang question kung may nagnakaw e maayos yung proseso,” ani Lacierda.
Rose Novenario