Thursday , December 26 2024

Nanay tumalon sa creek, tigok (Natakot magutom ang limang anak)

1111414 povertyBUNSOD ng problema kung paano pakakainin ang limang mga anak, nagpasyang tumalon sa isang creek ang isang 29-anyos ginang kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Jonathan Bautista ang biktimang si Cyra Jacob, may live-in partner, at nakatira sa 565 Valderama St., Delpan, Binondo, Maynila, wala nang buhay nang maiahon sa nasabing creek.

Ayon sa pulisya, dakong 3 p.m. makaraan paliguan ang kanyang mga anak ay biglang tumakbo ang biktima at tumalon sa creek ng Reina Regente sa Bindono.

Nabatid sa mga kapatid ng biktima, bata pa lamang ay may suicidal tendency na ang biktima.

Minsan na anilang naglaslas ng pulso ang biktima nang tutulan ng kanyang ina ang pakikipagrelasyon sa nobyo.

Inihayag ng kapatid ng biktima na si Cesar, pinoproblema ng biktima kung paano pakakainin ang mga anak dahil namumulot lamang siya ng kalakal kasama ang kanyang kinakasama.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *