MUKHANg singtibay talaga ng Boy Scout Knots ang ‘links’ ng mga Aquino at Binay …
Hindi mapatid-patid.
Mahigpit na kasi ang utos ni Pangulong Noynoy, huwag ‘tingiin’ ang imbestigasyon ng Senado kay Vice President Jejomar Binay. Ilabas at ibuhos ana ang lahat ng ebidensiya kung mayroon para umano matapos na ang imbestigasyon ng Senado.
Aba’y hindi niya ginawa ang ‘pag-awat’ na gaya nito sa kaso ni impeached Chief Justice Renato Corona.
Sinabi rin ni PNoy sa pamamagitan ng kanyang spooksperson ‘este spokesperson na wala si-yang pinapaboran kundi ipinaabot lang niya sa Senado ang kahilingan ni VP Binay.
Bwelta naman ni Sen. Koko Pimentel, huwag makialam ang palasyo sa ginagawa nilang imbes-tigasyon.
Indeed, Noynoy is still a ‘good son’ for a fami-ly friend. Kumbaga, hindi kayang tawaran ang pinagsamahan nina Tita Cory at VP Binay noong panahon na pinaslang si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.
At ‘yan ang napatunayan natin sa insidenteng ito — walang politika sa pagitan ng pamilya Aquino at Binay — nananatili silang magkakaibigan.
Kung ganyan ‘katibay’ ang knots ng dalawang pamilya, palagay natin ‘e, mas iibigin ng mga nasa Malacañang ngayon na ang maging sunod na Pa-ngulo ay may letrang B kaysa letrang E na parehong may slogan na para umano sa mahirap.
Ano sa palagay ninyo mga suki?!