Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Elaine sobrang ipinagmamalaki at mahal na mahal ang unica hija na si Sharon (Ngayon lang narinig! )

111414 elaine gamboa sharon cuneta

00 vongga chika peterLast Monday kahit na may problema na ang car ko, at natetensiyon na ang aking piloto everyday na si Chan Chan, tumuloy pa rin kami ng longtime friend ko na si Rohn Romulo sa pagpunta sa last wake ni Mommy Elaine Cuneta sa Sanctuario de San Antonio sa Mckinley Road Makati upang makiramay sa mag-inang KC Concepcion at Sharon Cuneta na aming ina-inahan ni Rohn sa showbiz. Pagdating namin sa lugar ay naabutan namin ang maraming tao, na nakaupo sa bawat table at sabay-sabay na nagdi-dinner. Una naming nakasalubong si Paulo Avelino at binati naman kami ng actor lalo na si Rohn na ma-tagal na pa lang kakilala ng actor at nang makita namin si KC ay agad naming nilapitan ang Kapa-milya singer-actress na bumeso agad sa amin at sinabihan kaming katatapos lang raw niyang ipa-retouched ang make-up ng kanyang Lola Mita (tawag niya sa lolang si Elaine) kaya kapag na-kita namin ay magandang-maganda. At totoo nga dahil nang silipin namin ang kabaong ni Mommy Elaine ay parang natutulog lang ang well-loved na celebrity Mom. Naabutan namin sa loob ang brother ni ‘Nay Sharon na si Mr. Chet Cuneta kasama ang mga anak, ang mister na si President Assistant for Food Security and Agricultural Mo-dernization na si Kiko Pangilinan with kids Miel and Miguel. Niyaya pala kami ni KC na kumain at shock kami sari-saring catered food na puro masasarap lahat. Sa rami ng mga taong nakiramay at dami ng pagkain at iba’t ibang drinks na pwedeng mamili kung ano ang choice mo ay nagmukhang Party ang burol ni Mommy Elaine.Wala pa ang aming ‘Nay Sharon nang dumating kami sa Sanctuario pero narinig namin na nagpapahintay siya para sa misa at gaganaping necrological service nung gabing ‘yun. At eksaktong 9:00 pm ay duma-ting nga ang megastar at sinimulan na nga ang eulogy service na pinamunuan ni Apples Sotto, ang panganay nina Sen. Tito Sotto at Tita Helen Gamboa na nagsilbing host sa ga-bing ‘yon. Noong una medyo magaan pa ang atmosphere dahil relaks lang at puro magagandang salita ang namutawi sa bawat kaanak para sa namayapa. Pero nang magsimula nang magsalita si Tito Sen, KC at Sharon do’n na bumigay ang lahat maging kami ni Rohn ay hindi napigilan ang hindi maluha sa mga trivia sa pinakamamahal nilang si Mommy Elaine. Ang isa sa nagpabagsak nang aming luha ay nang sabihin ni KC, na hanggang sa huling hininga ng kanyang Lola Mita ay buong ningning nitong ipinagmalaki na very proud siya kay Sharon sa lahat ng mga achievements nito sa kanyang career at mahal na mahal niya ang kaisa-isang babaeng anak na megastar. Tahimik rin ang lahat sa halos dalawang oras na iba’t ibang kwento ni Shawie sa kanyang Mom Elaine na ang pinakatumatak sa amin ay nang sabihin nito sa harap ng ina ang mga katagang. “I love you my Mommy. Napakarami mo nang tinawag na anak, tinawag na apo, ako ang anak ni Elaine na kaisa-isang babae and I will die very proud of that,” na totoong-totoo naman. Naghinayang rin pala si Sharon at hindi na nahintay ng kanyang Mommy Elaine na makita siya uling sexy. Isa raw ang ina sa dahilan kung bakit siya nagseryosong mag-diet dahil minsan ay biniro siya nitong magbawas na ng timbang na na-hurt man daw siya ay kanya namang sinunod. Buong puso pa lang pinasalamatan ng actress si Kiko, sa labis-labis na suporta nito sa kanya na gabi-gabing nagpupuyat sa burol at pati ang obligas-yon niya ay sinasalo nito. Minsan raw kasi dala ng sakit na hypertension ay hindi nahaharap ni Sharon ang lahat ng bisita. Samantala sa nasa-bing eulogy ay pinatunayan ng lahat ang kabaitan at pagiging generous ni Mommy Elaine at ang pagkamahiligin sa pagluluto at pagkain na kung magluto ay sobra dahil ayaw niyang may nagugutom sa kanyang pamilya, kaanak, kaibigan at mga bisita. Last Tuesday (Nov 11) ay inihatid na pala si Mommy Elaine sa kanyang huling hantu-ngan sa Manila Memorial Park. Ilan sa mga celebrity na aming namataan sa last wake ay sina Q.C Mayor Herbert Bautista, Albert Martinez, mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, Robin Padilla etc., at ang mga kumanta sa necrological service na sina Dulce at Lani Misalucha. Mula dito sa HATAW D’yaryo ng Bayan, ang aming taos-pusong pakikiramay to Nanay Sharon and KC gyud!

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …