Saturday , May 10 2025

Makaya kaya ni Binay ang unos?

00 BANAT alvinDESIDIDO ang mga nag-aambisyong maging pa-ngulo ng bansa na pabagsakin si VP Jejomar Binay.

Ito ang maliwanag sa ikinikilos ng mga kaibayo ni Binay sa politika lalo na sina Senador Alan Ca-yetano at Antonio Trillanes.

Sa Kamara ay ayaw din paawat ni Cong. Egay Erice na halatang taga-atake ni Mar Roxas na alam din naman ng lahat na gusto rin maging pangulo ng bansa.

Kung noong una ay Makati Parking Building lang ang iniimbestigahan ng Senado ay lumawig nang lumawig na ito at napunta na sa sinasabing property ng mga Binay sa Tagaytay at Batangas.

Kakaibang estilo rin ng pag-iimbestiga ng mga mambabatas na miyembro ng sub-committee ng Blue Ribbon na kinabibilangan nina Senador Koko Pimentel, Cayetano at Trillanes dahil halatang pabor lahat sa nag-aakusa ang kanilang ginagawa.

Maging ang mga iniimbitahang resource person katulad ni Antonio Tiu, may-ari ng sinasabing Binay property ay naging biktima rin ng pambubuli nina Cayetano at Trillanes at ito ang dapat tingnan ng taumbayan dahil nagagamit ang Senado sa maruming pamomolitika.

Bukod sa property ng Binay sa nasabing mga lugar ay sinunod na rin ang Makati Science High School ni dating vice mayor Ernesto Mercado na isa rin umanong mahal na pagawaing bayan.

Malinaw na anything goes ang imbestigas-yon ng komite ni Pimentel at ito ang nakatatakot dahil mukhang wala nang parameters ang pagsisiyasat basta ito ay makagigiba sa tao.

Kung ating natatandaan itong si Cayetano ang naging abogado ni dating senador Manuel Villar noong iginigisa sa Senado dahil sa paggamit ng PDAP sa mga kalsadang malapit sa kanyang mga properties at malinaw na ang posis-yon ng senador noon na asawa ni Mayor Lani ng Taguig ay posis-yon ngayon ng mga Binay na huwag gamitin ang Mataas na Kapulungan sa politika.

Pangalan ng Senado ang nakataya sa pinaggagawa ng mga senador na sina Cayetano, Trillanes at Pimentel kaya’t dito dapat nang kumilos ang buong Mataas na Kapulungan dahil wasak at mabaho na ang institusyon dating iginalang ng mamamayan.

 Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *