MAHIGIT isang milyon na ang car plate backlog ng Land Transportation Office (LTO).
‘Yan ay sa taon 2013 lang.
Mula Enero hanggang Agosto 2014 ay lumakad pa ang bilang ng mga sasakyan na hindi naisyuhan ng plaka ng LTO.
Kaya naman hindi na tayo nagtataka kung bakit umaalma na ang car owners laban sa tila asal-ayaw-nang-resolbahin ng LTO ang kanilang backlog sa car owners.
At kahit tayo mismo ay hindi natin maintindihan kung bakit tila walang interes ang LTO na resolbahin ang problemang ito.
Ano ba talaga ang rason kung bakit walang maibigay na plaka ang LTO sa mga bagong sasakyan?
Mantakin ninyong nag-renew at nagbayad na ng registration pero wala pa rin plaka at walang sticker?!
Sino ang maniniwalang sapat ang kanilang plaka kung wala silang maiisyu sa mga nagpaparehistro?!
Lalo na doon sa mga nauna.
Simula nitong Agosto, nag-isyu ng plaka ang LTO, ‘yung may tatlong letra at apat na numero.
Pero nagtataka ang militanteng organisasyon ng mga driver at operator na Pinagkaisang Samahan ng mga tsuper at Operators Nationwide (PISTON).
Anila, paano naipatupad ang plate standardization program kung napakalaki ng backlog sa mga plaka?
What the fact!?
Hindi nakatutulong sa pagpapatupad ng peace and order sa bansa ang nangyayaring ito sa LTO.
Karamihan ng krimen ngayon ay kinasasangkutan ng mga sasakyan – riding-in-tandem, holdaper na nakakotse, rapists-in-van, hit and run …
Malamang nagpipiyesta ‘yang mga sindikato ng kriminal sa palpak na sistema ngayon ng LTO.
Mukhang natiyope na rin si LTO chief, Atty. ALPUNSO ‘este ALFONSO TAN Jr., at ni hindi kayang humarap sa publiko para ipaliwanag kung ano ba talaga ang puno’t dulo kuhg bakit biglang naging plateless administration ang gobyerno ni Pangulong Noynoy.
Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, wala ka bang planong resolbahin ang problema ng LTO?!
O naghihintay pa kayo ng biding-bidingan!?
Aba ‘e mukhang palamig-lamig lang kayo d’yan sa mga opisina ninyo … magtrabaho kayo!