MAKALAGLAG-PANGANG Cirque du Soleil production number ang isa sa mga bagong pasabog ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa kanyang inaabangangLa Nightingale return concert na gaganapin sa December 6 (Sabado) sa Araneta Coliseum.
Matapos ang pitong taon mula ng huling mag-concert, dadalhin ni Lani ang Las Vegas —na roon siya nagtanghal at hinangaan ng international audience ng ilang taon—sa Big Dome dahil sa tindi ng kalidad ng programa at higanteng sorpresang inihahanda niya.
Bukod sa mala-Las Vegas na palabas, hindi rin mawawala sa concert ang inaabangang mapusong pag-awit ng kanyang timeless hits at kahanga-hangang bersiyon ng international classic ballads at mga patok na kanta ngayon.
Makakasama ni Lani sa kanyang concert sina Arnel Pineda, Jed Madela, G-Force at iba pang surprise guest.
Tampok sa La Nightingale concert ang musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestrasa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga. Si Paul Basinillo ang stage director ng concert, samantalang si Louie Ocampo naman ang musical director.
Sa ilalim ng produksiyon ng ABS-CBN Integrated Events at Star Event, ang tickets para sa La Nightingale concert ay nagkakahalaga ng P6,225 (VIP); P4,770 (Patron A); P3,180 (Patron B); P1,275 (box); P795 (upper box); at P480 (general admission).
Mabibili na ang tickets sa opisina ng Smart Araneta Coliseum at sa Ticketnet outlets sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa Ticketnet hotline na 9115555 o mag-log on sa Ticketnet.com.ph.
Samantala, ang chart-topping The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook album ay mabibili pa rin sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P350 lamang. Maaari na ring ma-download sa Internet ang tracks ng album. Mag-log on lang sa iTunes, Amazon.com,at MyMusicStore.com.ph.
ni Maricris Valdez Nicasio