ni Roldan Castro
HINDI naman totoo ‘yung isyung bumaba ang ratings ng Hawak Kamay kaya nasa huling dalawang Linggo na lang ito at magwawakas na.
Kumbaga, extended na rin ang serye dahil lampas na siya ng one season na nagsimula noong July.
Noong nasa taping nga kami ng Hawak Kamay at ikinasal na sina Piolo Pascual atIza Calzado, hindi na rin alam ng cast kung saan pa iikot ang istorya. Ramdam na rin nila na matatapos na talaga ang serye.
Katunayan, noong Oktubre pumangalawa ang Hawak Kamay sa pinakapinanood na programa ka-tie ang pagbabalik ng The Voice of the Philippines base sa Kantar Media.
Nanguna ang Ikaw Lamang, na siyang numero uno sa listahan dahil sa average national TV rating nitong 29.7%. Wagi rin ang final episode ng Ikaw Lamang noong Oktubre 21 na pumalo sa national TV rating na 34.1%. Kinapitan din ang pagwawakas ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Oktubre 10 sa national TV rating na 27.3%.
Napukaw din agad ng Forevermore ang puso ng mga manonood noong Oktubre 27 sa national TV rating na 27.1% .
Sa kabuuan ay 11 puwesto ang nasungkit sa ABS-CBN sa top 15 na programa sa buong bansa sa naturang buwan. Ang iba pang Kapamilya shows sa listahan ay angTV Patrol (28.2%), Wansapanataym (27.4%), Home Sweetie Home (26.7%), Forevermore (26.6%), Maalaala Mo Kaya (25.9%), Pure Love (23.6%), Mga Kwento Ni Marc Logan (23.6%), Rated K (23.6%), Sana Bukas Pa Ang Kahapon(22.9%), Goin’ Bulilit (22.1%), at Two Wives (20%).
Mas maraming manonood pa rin ang sumusubaybay sa mga programa ng ABS-CBN noong Oktubre sa buong bansa matapos pumalo ang average total day audience share nito sa 44%, base sa datos ng Kantar Media.