Nakababaliw pala talaga ang drama ng hitad na si Jed Madela. Imagine! hindi lang pala ang KathNiel at masipag na production staff ng ASAP 19 ang biktima niya sa kanyang pagiging maha-dera at feelingera! Maging sina Sarah Geronimo at Erik Santos ay gusto rin sanang pag-tripan sa isang production number na ginawa nilang tatlo sa ASAP. Sabi ay narinig raw na nagbitaw nang salita na hahawiin niya ang dalawa. Ang ibig ni-yang palabasin ay tatalbugan niya ang dalawa sa kanilang nasabing number. May drama pa raw ang WYCOPAS este WYCOPA grand winner na mahilig mag-demand ng solo niyang number at kung ano ‘yung gusto niyang kanta ay kailangan mapasakanya talaga. Tulad nang magkaroon ng number para sa “Hanggang” song popularized by Wency Cornejo ang feel nito ay siya lang solong kakanta. Kaso mo hindi pumayag ang prod people ng show dahil intented nga ‘yun sa kanilang tatlo ni Sarah at Erik. Ngayon nu’ng mabu-king ang drama ni Jed ay agad siyang naghugas kamay sabay sabing hindi niya magagawa ang bagay na iyon sa dalawa lalo’t pareho niya raw hinahangaan ang galing nila sa pagkanta. Grabe! super plastic ang dating at ki-nabog pa ang pagiging Orocan ni Manang Cristy Fermin at iba d’yan.
As of presstime ay sob-rang apektado na raw si Jed sa mga nasusulat sa kanya at very afraid na sa kanyang pagiging negatibo. Well you deserve that kasi selfish ka at hindi marunong tumanaw ng utang na loob gyud!
ni Peter Ledesma
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
