Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empress, ‘di raw nagmamarka at walang appeal kaya no project sa Kapamilya Network


111414 EMPRESS SCHUCK

00 fact sheet reggeeNAGULAT kami nang makita namin ang post ng GMAnetwork kagabi (Miyerkoles) pagkatapos ng storycon, ”@empressita is very much looking forwad to her role in #KailanBaTamaAng Mali , what do you think would it be?

May pictorial ding naganap ang ibang cast ng nasabing serye na base ulit sa IG post ng GMAnetwork, ”meet some of the stars of the newest show to watch out for #KailanBaTamaAng Mali , soon on GMA.

Balik-GMA 7 na pala ang Empress Schuck at makakasama niya sina Chariz Solomon, Dion Ignacio, Max Collins, at Geoff Eigenmann.

Pinag-uusapan palang namin si Empress at ng taga-ABS-CBN noong Miyerkoles ng gabi kasi tinanong namin kung bakit walang serye ang dalaga at sabi kaagad, ”wala kasi siyang appeal, hindi nagma-marka.”

Naawa naman kaming bigla sa alaga ni Tita Becky Aguila dahil maski pala magaling umarte at maganda naman ay hindi pa rin pala sapat iyon. Hindi lang namin naitanong sa kausap namin kung paano niya nasabing walang appeal.

Anyway, ikinuwento rin sa amin na may offers naman daw ang management kay Empress, pero tumatanggi raw ang aktres dahil pakiramdam niya ay hindi niya kayang gampanan ang role.

Napanood si Empress sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala noong 2013 kasama sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, Joseph Marco, at Sam Milby at hindi na nasundan pa.

Pawang guestings lang sa MMK, Banana Nite, at Banana Split lang napapanood si Empress.

Goodluck Empress!

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …