Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drilon nag-inhibit sa ICC probe ng Senado

111414 drilonNAG-INHIBIT si Senate President Franklin Drilon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa overpriced na Iloilo Convention Center (ICC).

Sa pagdinig kahapon, sumipot si Drilon para ihayag na hindi siya makikisali sa mga kapwa-senador sa pagtatanong sa mga personalidad na inimbitahan ng komite, maging sa committee caucus kaugnay ng isyu.

Gayunman, handa aniya siyang tumugon sakaling usisain ng mga miyembro ng Blue Ribbon.

Tulad ng mga naunang pahayag sa media, muling iginiit ni Drilon na hindi overpriced ang ICC, at sa katunaya’y nakatipid pa ang gobyerno rito ng P521 milyon dahil donasyon ang 17,371 square meters na lupain.

Binigyang diin din ng Senate president na hindi siya nakialam sa bidding at wala siyang inirekomendang bidder. Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Tourism (DoT) aniya ang nagsagawa nito at ang nag-award ng proyekto at tiwala siyang maipaliliwanag din ng mga ahensya ang mga alegasyon.

Sa huli, iginiit ni Drilon na walang basehan ang kasong plunder na isinampa ni Manuel Mejorada, dating provincial administrator ng Iloilo, laban sa kanya sa Ombudsman.

Niño Aclan

Nag-akusa kay Drilon aminadong walang ebidensiya

AMINADO ang complainant na si Manuel Mejorada na wala siyang pinanghahawakang matibay na ebidensiya para patunayan na nagkaroon ng korupsiyon o overpriced ang pagpapatayo ng Iloilo Convention Center (ICC) na kinasasangkutan ni Senate President Franklin Drilon.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III, napiga ni Sen. Sonny Angara si Mejorada at inaming tanging ang mga pahayag sa publiko ni Drilon ang naging batayan ng kanyang reklamo na nagkaroon ng overpricing.

“I admit that I have no evidence, because I do not have subpoena powers,” ani Mejorada.

Ito ay dahil tinukoy ni Mejorada sa komite na may mga pahayag sa publiko si Drilon na umaabot ng P1 billion ang halaga ng pagpapatayo ng Iloilo Convention Center na aniya’y indikasyon ng overpricing.

Mistulang pinahiya ni DPWH Sec. Rogelio Singson si Mejorada nang magpakilala bilang isang investigative journalist samantalang hindi man lang sumangguni sa DPWH sa kanyang mga reklamo bago naglabas ng akusasyon imbes na umasa sa Wikipedia sa kanyang mga impormasyon.

Inamin ni Mejorada na bukod sa public statement ni Drilon ay kabilang ang Wikipedia sa kanyang pinagkukunan ng impormasyon.

Binigyang diin ni Singson na walang overpricing sa pagpapatayo ng gusali at sa kanyang power point presentation sa harap ng komite, inisa-isa ng kalihim ang proseso ng konstruksiyon mula sa bidding, at actual na paggawa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …