FOLLOW-UP ito sa nasulat namin tungkol sa launching serye ni Nash Aguas naBagito na nasulat namin dito sa Hataw kahapon.
Nagtanong kami sa taga-ABS-CBN at sa Nobyembre 24, Lunes, na pala ang airing nito, nauna pang nalaman ng NLEx fans talaga?
Ang timeslot daw ng Bagito ay pagkatapos ng Forevermore na papalit naman sa timeslot ng Hawak Kamay na patapos na next week.
Kung ganoon, hindi pala ang Flordeliza ang kapalit ng Hawak Kamay, ”wala pang sinasabi kung anong timeslot ang ‘Flordeliza’, pero alam ko kapalit ng ‘Pure Love’.”
Base sa kuwento, mabigat ang papel ni Nash bilang batang ama sa edad na 14 dahil nabuntis niya si Ella Cruz na akala niya ay mahal na niya, ‘yun pala naseksihan lang pala ang binatilyo dahil flirt ang papel ng aktres.
Naalala tuloy namin ang pelikulang Miguelito ni Aga Muhlach na naging batang ama at rebelde at JM de Guzman sa seryeng Angelito, Batang Ama.
Anyway, kasama ni Nash ang kanyang ka-love team na si Alexa Ilacad at gaganap na magulang niya sina Ariel Rivera at Angel Aquino mula sa direksiyon ni Onat Diaz handog ng Dreamscape Entertainment.
ni Reggee Bonoan